Regine Velasquez breaks silence on forthcoming transfer to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez thanks her loyal fans and supporters for defending her: "Para sa lahat ng sumusuporta sa akin, maraming-maraming salamat sa pagtatanggol nyo sakin, naging kasama ko kayo sa lahat ng pinagdadaan ko."


Nagsalita na sa wakas ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez tungkol sa napipintong paglipat niya sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Mula nang pumutok ang balita hanggang sa makumpirma ang paglipat ni Regine, nakatanggap ng pambabatikos ang 48-year-old singer-actress mula sa netizens dahil sa desisyon nitong iwan ang kanyang naging home network sa loob ng dalawang dekada.

Sa kanyang tweet ngayong Lunes ng hapon, October 15, nagpasalamat si Regine sa mga taong nagtatanggol at nagpapakita ng pagmamahal sa kanya.

Mensahe ng soon-to-be Kapamilya star, “Para sa lahat ng sumusuporta sa akin, maraming-maraming salamat sa pagtatanggol nyo sakin, naging kasama ko kayo sa lahat ng pinagdadaan ko.

“Sana wag kayong magsawa. Love you guys thank you again.”

Sa inilabas na official statement ng GMA Network noong Sabado, October 13, sinabi nilang naiintindihan nila ang desisyon ni Regine na samahan nito ang mister na si Ogie Alcasid sa kabilang istasyon.


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez gives tearful farewell to GMA-7
Regine Velasquez gives tearful farewell to GMA-7
GMA-7 issues statement on Regine's transfer to ABS-CBN
GMA-7 issues statement on Regine's transfer to ABS-CBN

Unang mapapanood si Regine bilang Kapamilya sa ASAP Live on Sydney sa darating na October 20.

Ang ASAP ang mahigpit na katunggali ng ilang Sunday musical-variety shows ng GMA-7 noon na kasama si Regine, katulad ng SOP (1997-2010) at Party Pilipinas (2010-2013).

Sina Jaya, Janno Gibbs, at mister ni Regine na si Ogie Alcasid na dating mga kasamahan niya sa nasabing defunct shows ay nasa ABS-CBN na rin. 

View this post on Instagram

See you guys in Sydney ❤️ #AsapinSydney

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN