Harlene Bautista opens up about separation from Romnick Sarmenta

IMAGE Jojo Gabinete / Instagram

Harlene Bautista on her love for Romnick Sarmenta: "Base sa napagdaanan ko, hindi siya nawawala, nag-iibang level, umiibang direksiyon. Kasi mahal ko naman siya dahil siya ang tatay ng mga anak ko. Dahil magkaibigan kami, meron kaming pinagsamahan."


Nabawasan ang timbang at maaliwalas ang mukha ni Harlene Bautista nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanilang family-owned Salu restaurant sa Quezon City, Lunes ng hapon, October 15.

Bakas sa mukha niya ang nararamdamang kaligayahan, kahit winakasan na nila ni Romnick Sarmenta ang kanilang pagsasama na tumagal ng 19 taon.

Ano ang reaksiyon ni Harlene sa hindi inaasahang interes na ipinakita ng publiko sa paghihiwalay nila ni Romnick?

Sagot ng actress-film producer, "E, kasi mukha siyang fairy tale.

"Walang mga intriga na nagbugbugan so nakakabigla talaga.

"Even our close friends, nabigla rin sila."

Naglabas ng joint official statement sina Harlene at Romnick tungkol sa kanilang desisyong maghiwalay, na nakikita lang kadalasan sa Hollywood couples na naghihiwalay.

Paliwanag ni Harlene tungkol dito, "It was a mutual decision. Parang isang ganoon, tapos na.

"Baka nga magalit sa akin yun..."

Ang ibig sabihin ni Harlene ay ang pagsasalita niya tungkol sa hiwalayan nila ni Romnick.

THE DECISION

Sa pakiwari ng marami, si Harlene ang nagdesisyong makipaghiwalay. Totoo ba ito?

Maingat na tugon ng kapatid ni Mayor Herbert Bautista, "Hmmm… paano ba ito? Huh!!!

"Sabihin natin, siguro doon nagsimula, pero nagtapos sa pareho kaming nagdesisyon.”

Paano iyon tinanggap ni Romnick? Nagulat ba ito?

"Ewan ko, tanungin niyo siya kung nagulat siya."

Nawawala ba ang pagmamahal?

Sagot ni Harlene, "Hindi naman nawawala. Ang pagmamahal, I guess, nag-iiba, hindi nawawala.

"Hindi ako expert, ano lang ako, kumbaga, meron lang akong napagdaanan.

"Base sa napagdaanan ko, hindi siya nawawala, nag-iibang level, umiibang direksiyon.

"Kasi mahal ko naman siya dahil siya ang tatay ng mga anak ko.

"Dahil magkaibigan kami, meron kaming pinagsamahan."

Magmamahal ba siya ulit?

"Oo! Mabilis ang sagot ko kasi kahit naman yun, sinabi ko sa kanya na gusto ko meron akong makasama sa buhay, makatuwang sa buhay.

"'Gusto ko, ikaw rin,' sabi ko sa kanya," saad ni Harlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if dumating ang panahong pareho silang walang nakitang bagong mamahalin? May chance bang magkabalikan sila?

Ayon kay Harlene, "Panahon lang ang makapagsasabi.

"Twelve years bago kami nagkita uli, nagbalikan.

"After two months, nagpakasal.

"After 19 years, naghiwalay.

"So, baka hindi pa doon mag-e-end, malay natin?

"Baka ganoon talaga yung kuwento naming dalawa."

FILING AN ANNULMENT

May plano ba silang mag-file ng annulment?

"Basta inaayos namin ang lahat nang dapat ayusin," sagot ni Harlene.

May umalis ng bahay?

"Meron… meron."

Na-outgrow na niya si Romnick?

Bahagyang natigilan si Harlene bago sumagot.

“Well… kayo… Siguro ganoon…

"Bakit ako nagsasalita? Magkaibigan kami, yung ganoon na lang.

"Sa akin, siguro yun na lang ang tingin ko sa kanya—kaibigan…"

Hindi lang siya ang nagdaan sa ganoong sitwasyon?

"Actually, ganoon ang pag-iisip ko.

"Siyempre, malulungkot ka ng ilang araw.

"Katulad noong dati, buntis ako sa panganay ko," pagtukoy niya sa anak niyang lalaki sa dating karelasyon at direktor na si Rico Gutierrez.

Patuloy ni Harlene, "Naglayas ako, nagkulong ako, nakitira ako sa kaibigan ko. Hindi ako lumalabas…

"'Tapos sabi ko, 'Paano ba ito? Bakit ako naggaganito? Ako ba ang first time? First time ba ako na nagkaganito?'

"Hindi naman, di ba? Okey naman sila ngayon…

"So, go, move on. Ganoon ako."


Stories We Are Tracking

Romnick Sarmenta, Harlene Bautista announce their separation
Romnick Sarmenta, Harlene Bautista announce their separation


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN