Richard Gomez, Lucy Torres, Jolo Revilla, Gary Estrada, other celebs file COCs

IMAGE Courtesy: Jolo Revilla on Facebook/ Kimmy Alvarez Urboda on Facebook / @dzrhnews on Twitter

Vice Governor Jolo Revilla and mom Vice Mayor Lani Mercado-Revilla seek reelection in Cavite; couple Richard Gomez and Lucy Tomez-Gomez are gunning for reelection as mayor of Ormoc City and representative of fourth district in Leyte, respectively; singer Imelda Papin and comedian Long Mejia seek local posts in Camarines Sur.


Sa ikatlong araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) ngayong Lunes, October 15, dumagsa sa Commission on Elections (COMELEC) office sa iba’t ibang lugar ang showbiz personalities na sina Jolo Revilla, Gary Estrada, Long Mejia, at Imelda Papin.

Si Jolo ay tatakbo muli para sa kanyang pangalawang termino bilang vice governor ng Cavite.

Si Imelda Papin naman ay nais masungkit muli ang kanyang dating posisyon bilang bise gobernador ng Camarines Sur.

Sorpresa naman ang paghahain ni Long ng kanyang kandidatura bilang kongresista sa unang distrito ng Camarines Sur.

Si Gary ay tatakbo ngayon bilang vice mayor ng Cainta, Rizal.

Dati nang nanungkulan si Gary bilang board member ng second district ng Quezon Province, ngunit nabigo ito sa kanyang pagtakbo bilang vice governor sa naturang lalawigan noong 2016 elections.

Noong Biyernes, October 12, naghain ng kanilang COCs ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez sa Ormoc City.

Susubukan ng mag-asawa na makuha muli ang pagka-alkalde ng Ormoc (Richard) at congresswoman (Lucy) ng fourth district ng Leyte.

OTHER PERSONALITIES

Sa Las Piñas, naghain na ng kanyang kandidatura ang dating co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime ng TV5 na si Camille Villar bilang kongresista.

Ang mga magulang ni Camille na si former Senator Manny Villar at incumbent Senator Cynthia Villar ay unang nanungkulan bilang mga mambabatas sa lone district ng Las Piñas.

Ang kontrobersiyal na si Mocha Uson ay naghain ng kanyang certificate of nomination (CON) sa pagka-kongresista sa ilalim ng Kasosyo Party-List.

Ang anak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na si Ciara Sotto ay naghain ng kanyang CON bilang second nominee ng Luntiang Pilipinas Party-List

Naghain din ng COC si Hero Bautista para sa kanyang ikalawang termino bilang konsehal sa fourth district ng Quezon City.

Ang ama nina Toni at Alex Gonzaga na si Carlito “Bonoy” Gonzaga ay naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-mayor ng Taytay, Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Bonoy Gonzaga ay kasalukuyang vice mayor ng nasabing bayan.

Si Lani Mercado naman ay nakapag-file ng kanyang kandidatura bilang re-electionist sa pagka-alkalde ng Bacoor City, Cavite.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN