Jinggoy Estrada, JV Ejercito gun for Senate seat; Herbert Bautista, Yul Servo, Alfred Vargas to run for congress

IMAGE Courtesy: @gmanews / @jvejercito on Twitter / Noel Orsal

Jinggoy Estrada and brother JV Ejercito are gunning for a Senate seat in 2019; Quezon City Mayor Herbert Bautista is running for congress while incumbent congressmen Alfred Vargas and Yul Servo are seeking reelection in their district. Meanwhile, Sebastian "Baste" Duterte, son of President Rodrigo Duterte, may seek public office as Davao City vice mayor in 2019. 


Nag-file na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si former Senator Jinggoy Estrada para kumandidato muli sa pagka-senador ngayong Martes, October 16, sa Commission on Elections (COMELEC) office sa Intramuros, Manila.

Sinamahan si Jinggoy ng kanyang amang si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, inang si former Senator Loi Estrada, at asawang si Precy Ejercito nang maghain ito ng kanyang kandidatura.

Nauna rito, nag-file na rin ang half-brother ni Jinggoy na si incumbent Senator JV Ejercito ng kanyang kandidatura bilang reelectionist senator.

Si JV ay anak ni Erap sa incumbent mayor ng San Juan City na si Guia Gomez.

Tumatakbo si Jinggoy sa ilalim ng partido ng amang si Erap, ang Partido ng Masang Pilipino (PMP), samantalang si Senator JV naman ay sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Sa Maynila, naghain na rin noong nakaraang Biyernes, October 12, ng kanyang kandidatura ang reelectionist congressman na si Yul Servo.

Sa Quezon City, nag-file na ng kanyang COC bilang reelectionist si 2nd District Representative Alfred Vargas.

Ayon naman kay Quezon City 5th District Councilor Hero Bautista, tatakbo ang kanyang kapatid na si incumbent Quezon City and third-termer mayor na si Herbert Bautista sa pagka-kongresista.

Ngunit hindi naidetalye ni Hero kung sa anong distrito tatakbo ang actor-turned-public servant na si Herbert.

Ang direktor naman at kasalukuyang Taguig City 2nd District Representative na si Lino Cayetano ay naghain na rin ng COC sa pagka-alkalde ng nasabing lungsod.

Ang asawa naman ng brodkaster na si Korina Sanchez na si former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ay nag-file na rin ngayong araw, October 16, ng kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Si Imee Marcos na gobernador ng Ilocos Norte ay naghain na rin ngayong araw ng kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Ang anak ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Sebastian “Baste” Duterte ay posible namang tatakbo bilang vice mayor ng Davao City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN