Sinamahan ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang amang si Rommel Padilla nang maghain ito ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-kongresista sa unang distrito ng Nueva Ecija ngayong Martes, October 16.
Naghain si Rommel ng kanyang COC sa Comelec (Commission on Elections) office sa Cabanatuan City.
Kasalukuyang board member ng first district ng Nueva Ecija ang nakatatandang Padilla.
Tatakbo si Rommel na independent at makakalaban niya ang incumbent representative na si Congresswoman Estrellita Suansing ng PDP-Laban.
Parehong supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magkatunggali sa posisyon sa darating na 2019 mid-term elections.
