Aiko Melendez accompanies boyfriend Mayor Jay Khonghun in filing COC in Zambales

IMAGE Courtesy: Maria Emelia Melendez / Jimwell Stevens on Facebook

Kabilang pa sa mga naghain ng kanilang COCs ngayong Martes, Oktubre 16, ay ang boyfriend ni Aiko Melendez na si Mayor Jay Khonghun, na tatakbong bise gobernador sa Zambales, at sina Dominic Ochoa at Rochelle Barrameda naman na tatakbong konsehal sa Parañaque City.


Sa ikaapat na araw ng filing ng certificate of candidacy (COC), humahabol din ang ilan pang celebrities sa paghain ng kanilang COCs sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa Zambales, personal na sinamahan ng aktres na si Aiko Melendez ang boyfriend na si incumbent Subic Mayor Jay Khonghun nang mag-file ito ng kandidatura sa pagka-bise gobernador ng nasabing lalawigan.

Tatakbo si Khonghun sa ilalim ng PDP-Laban.

Sabi ni Aiko sa kanyang Facebook post ngayong Martes, October 16, “Today is just the start of his journey of serving the Province of Zambales, For vice governor.

"Sa mga taong di po nakakaalam asa public service po si Jay for 18years.

"Nag umpisa bilang Board Member haggang sa naging Mayor po ng 9 na taon. Hinog na po kung tutuisin.

"Mag ikot po kayo sa Subic para malaman nyo din po marami po sya nagawa."

 IMAGE Courtesy: Maria Emelia Melendez on Facebook

OTHER CELEBS

Samantala, tatakbo namang vice mayor ng Parañaque ang anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez.

Si Joey ay dating nanungkulan bilang mayor at vice mayor ng nasabing lungsod.

Kasama ni Jeremy sa kanyang tiket sina Rochelle Barrameda at Dominic Ochoa, na tatakbo naman bilang konsehal.

 IMAGE Courtesy: Jimwell Stevens on Facebook


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN