Regine Velasquez declares ABS-CBN as number one station

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez excited to work with Kapamilya singers: "The reason why I'm here is because hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang kumanta and I want to work with their talented singers."


Opisyal nang Kapamilya ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Pumirma siya ng two-year contract sa ABS-CBN ngayong Miyerkules ng hapon, October 17.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media kay Regine sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, sinabi nitong gusto talaga niyang makatrabaho ang iba pang mga artista at singers na hindi niya magawa noon dahil sa kanyang network contract sa GMA-7.

Dalawampung taong naging Kapuso si Regine bago siya lumipat ng ABS-CBN.

Pahayag ng 48-year-old singer/actress/TV host, "The main reason really is, first of all, I just wanna say that 20 years po ako sa GMA and I am very thankful to them.

"I am very grateful to them dahil po sa kanila, napatagal po ang aking career, nabigyan ako ng pagkakataon na mag-host, mag-serye, at marami pang iba.

"So, sa akin po, maraming salamat po sa GMA."

Tinawanan naman ni Regine ang balitang lumipat siya sa ABS-CBN dahil halos kalahating bilyong peso diumano ang magiging halaga ng kanyang network contract.

"Talaga ba?" hirit niya.

Pero seryosong sabi ng Asia's Songbird, "No... you know, at my age and at the stage of my career, we all know, you know, alam nilang lahat ng mga reporters dito na mga kaibigan ko na, hindi naman ako ilusyunadang tao.

"Alam ko naman kung ano yung lugar ko sa industry.

"Sobra akong touched na touched sa welcome na ibinigay sa akin ng ABS-CBN kasi hindi ko akalain na ganun ako kaimportante, hindi po ako mailusyunadong tao.

"But the reason why I'm here is because hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang kumanta, and I want to work with their talented singers.

"Yun talaga yun, na bago man lang matapos yung career ko, masabi kong nakatrabaho ko din ang number one station."

Ang ilan sa mga nais makatrabaho ni Regine ay sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Morissette Amon, at Sarah Geronimo; bukod sa mga dati niyang kasamahan sa defunct show nila sa GMA-7 na SOP na sina Jaya, Janno Gibbs, Lani Misalucha, at ang mister niyang si Ogie Alcasid na pawang nasa ABS-CBN na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inanunsiyo rin ni Regine na pagkatapos ng guest appearance niya sa ASAP Live in Sydney sa darating na October 20, magiging regular host na siya ng ASAP.

Ang mga naging shows ni Regine sa Kapuso Network ay SOP, Search For a Star, Pinoy Pop Superstar, Party Pilipinas, at The Clash.

Pinagbidahan din niya ang mga teleseryeng Forever In My Heart (2004), Ako Si Kim Sam Soon (2008), Diva (2010), at Poor Señorita (2016).


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN