Sen. Koko Pimentel weds chef Kathryna Yu

IMAGE Courtesy of Pat Dy

Senator Koko Pimentel and chef Kathryna Yu tie the knot at the Coconut Palace, Thursday night, October 18.


Alas-sais ng gabi ang imbitasyon sa civil wedding ni Senator Aquilino "Koko" Pimentel III at ng kanyang fiancée na si Kathryna Yu, isang chef, na ginanap nitong Huwebes, October 18, sa Coconut Palace, pero 6:40 p.m. na nang magsimula ang bridal march.

Ang fashion designer na si Paul Cabral ang gumawa ng wedding gown ni Kathryna at ng Barong Tagalog ni Senator Pimentel.

Senator Koko Pimentel and Kathryna Yu
 IMAGE Courtesy of Pat Dy

Habang naglalakad sa aisle at tumutugtog ang hauntingly beautiful song na "The First Time I Loved Forever" ni Lisa Angelle, napaluha si Kathryna dahil sa kaligayahang nararamdaman.

Sina President Rodrigo Duterte, Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa, Senator Manny at Jinkee Pacquiao ang ilan sa mga principal sponsor; samantalang si Acting Chief Justice Antonio Carpio ang nagkasal kina Senator Pimentel at Kathryna.

Sen. Koko Pimentel and Kathryna Yu with sons Martin and Akio and President Rodrigo Duterte
 IMAGE Courtesy of Pat Dy
Senator Tito Sotto and Helen Gamboa-Sotto
 IMAGE Courtesy of Pat Dy

THE WEDDING VOW

Ang wedding vow ni Senator Pimentel ang isa sa mga highlight ng pag-iisang dibdib nila ni Kathryna dahil natawa at pinalakpakan ito ng mga invited guest.

Narito ang wedding vow ni Senator Pimentel:

"Kath, I have never told you this but in my heart and in my mind and in my soul I have married you a long time ago.

"I felt that you are the one, the only one for me, and hindi na kita pakakawalan pa.

"I have finally found the one, the soulmate I have been searching for and the mama Martin and Akio have been yearning for.

"Kath, thank you for giving me a second chance.

"Thank you for making me feel at the age of 54, I’m like a young person all over again excited about love, excited for the future, excited about establishing a family, and excited to go home to you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Today, we vote with our hearts, thank you for electing me as your husband. This is the only election I really want to win.

"Kath, I have loved you all these years. I may not have verbalized this because you know I’m a man of [a] few words but I hope you have felt my love and genuine concern for you in one way or another.

"Kath, you will always be my baby girl until our baby girl actually arrives."

Ito ang ikalawang pagkakataong ikinasal si Senator Pimentel.

Ang una niyang asawa ay ang dating beauty queen na si Jewel May Lobaton.

SIDELIGHTS

Bukod sa bagong kasal, most-photographed couple sa Pimentel-Yu Nuptials ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Manny and Jinkee Pacquiao
 IMAGE Courtesy of Pat Dy

Kabilang ang Pacquiao couple sa early birds sa Coconut Palace, pati si Heart Evangelista, pero hindi ito nagtagal dahil umalis agad bago nag-umpisa ang wedding ceremony.

Walang kasama si Bacoor City Mayor Lani Mercado nang dumating sa wedding venue.

Sinabi ni Lani na ipinagdarasal ng pamilya nilang pabor sa mister niyang si Bong Revilla Jr. ang desisyon ng korte sa plunder case na kinasasangkutan nito.

Umaasa silang makalalaya mula sa PNP Custodial Center ang former senator bago sumapit ang December 10, 2018.

Nabanggit ni Lani na madaragdagan na naman ang mga apo nila ni Bong dahil buntis ang kanilang anak na si Inah Revilla-Del Rosario sa third baby nito.

Bisita rin sa Pimentel-Yu wedding si former Manila City Mayor Alfredo Lim, na muling kakandidato na alkalde ng Maynila sa edad na 88.

Ang actor-politicians na sina Isko Moreno, 43, at incumbent Manila City Mayor Joseph Estrada, 81, ang mga kalaban ni Lim sa mayoral race sa May 2019 elections.

Nang tanungin tungkol sa pagkakaiba niya kina Estrada at Moreno, “Mas sikat sila sa akin, ako hindi” ang sagot ni Lim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN