Bea Alonzo reveals why she broke up with Gerald Anderson in 2010

IMAGE Noel Orsal / @andersongeraldjr on Instagram

Bea Alonzo recounts the first time she and Gerald Anderson fell in love with each another: "Tumatalon lang kami sa pagmamahal. Tsaka na lang yung fear."


Ibinahagi ni Bea Alonzo kung paano nahulog ang loob nila ng boyfriend na si Gerald Anderson sa isa't isa sa unang pagkakataon.

Sa blogcon ng First Love, ang bagong pelikula ni Bea katambal si Aga Muhlach, natanong ang Kapamilya actress kung ano ang naaalala niya sa pelikula.

Tugon niya, “Siguro yung experience namin [ni Gerald] nung 2010.

"Kasi nung 2010, tumatalon lang kami sa pagmamahal. 'Tsaka na lang yung fear.

"Na-in love lang kami. Hindi namin pinigilan ang sarili namin."

April 2010 nang magsimula ang pagkakamabutihan nina Bea at Gerald.

Pero sa kabila ng kanilang nararamdaman, nagbigay ng kundisyon si Bea na muli siyang suyuin ni Gerald pagkatapos ng tatlong buwan.

Pagkatapos ng tatlong buwan, sinuyo nga ni Gerald si Bea.

Kalaunan ay naging opisyal ang kanilang relasyon.

Patuloy ni Bea, "'Tapos nagkaroon siyempre ng consequences. Nagkaroon ng limitations.

“We were together nung 2010. But of course, maraming [hadlang].

"Hindi siya napapanahon nung time na yun. Hindi right timing for us.

“We were very young and marami pa kaming gustong gawin sa buhay, so it had to be stopped."

Hindi boto noon ang ina ni Gerald kay Bea.

Highly identified naman si Gerald sa ka-love team noon na si Kim Chiu, na kilala rin bilang Kimerald.

Nagalit ang Kimerald fans at nakatanggap pa ng death threats sina Bea at Gerald.

Kaya naman hindi nagtagal, nag-break din ang dalawa.

Noong 2016, nagkaroon ng second chance at love ang dalawa.

“Tapos nagkabalikan kami nung recently lang. Hindi ko talaga sasabihin when….” natatawang kuwento ni Bea.

Kagaya ng ibang relasyon, hindi nawawala ang mga pagsubok kina Bea at Gerald.

Pero ayon kay Bea, inaalala niya ang unang beses na na-in love siya kay Gerald kapag may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.

“Siyempre, hindi naman siya perfect, di ba? Pag nagkakaproblema kami, bumabalik ako dun sa naramdaman namin na yun nung 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag first love, pure, walang pag-aalinlangan, hindi mo iniisip na sasaktan ka niya.

“Yung feeling na nagkaroon ako na a love that’s unafraid, a love that’s pure. Hindi jaded...” saad ng aktres.  


Stories We Are Tracking

Bea says it's her choice to keep loving Gerald
Bea says it's her choice to keep loving Gerald


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN