Zanjoe Marudo wants next girlfriend to accept his simple lifestyle

IMAGE Noel Orsal

Zanjoe Marudo: "Kasi in the past, akala ko yun na yun, e. Eto na yung mundo ko, e. Ang karelasyon ko taga-showbiz din. Dun na gumagalaw yung mundo ko, yung trabaho. Nakalimutan ko na yung isang side."


Inamin ni Zanjoe Marudo, 36, na gusto na niyang magka-girlfriend bago matapos ang 2018.

Hindi tuwirang sinagot ng Kapamilya actor kung nagbunga ang “getting to know each other” phase sa pagitan nila ng surfer-model na si Josie Prendergast.

Pero inilarawan ni Zanjoe na masuwerte kung sinuman ang susunod niyang maging girlfriend dahil sigurado na raw siya kung ano ang gusto niya sa buhay.

“Sa ngayon, wala. Wala talagang time," saad niya hinggil sa estado ng kanyang love life.

“Pero hopeful ako na yung susunod magiging perfect na dahil naayos ko na yung sarili ko.

“Na-balance ko na yung buhay ko.

"Mas alam ko na kung ano yung mas kailangan ko, kung ano yung mas gusto ko, kung sino yung gusto kong makasama."

Ano ba ang ideal girl niya?

“Gusto ko yung makikilala ko at makakasama ko na, e, yung pasok na sa kung anong gusto kong buhay na mangyayari in the future.

“Yun, simple lang din. Yung tanggap kung ano yung lifestyle na gusto ko, hindi na para mag-adjust pa ako.

“Tapos na ako sa mga ganun.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe pagkatapos ng bloggers conference para sa Playhouse, ang ABS-CBN daytime series na pinagbibidahan nila ni Angelica Panganiban.

Ginanap ito sa The Grandia Place sa Quezon City, Biyernes ng hapon, October 19.

THE REAL ZANJOE

Sa kabila ng glamorosong mundo ng showbiz, inihayag ni Zanjoe na kuntento na siya sa simpleng pamumuhay.

“Sa ngayon kasi, bilang naging single ako nang mahaba-habang panahon na rin, mas nag-balance yung buhay ko.

"Mas luminaw sa akin na eto ang pagiging artista, eto yung Zanjoe na yung normal na buhay ko.

“Kasi in the past, akala ko yun na yun, e. Eto na yung mundo ko, e.

"Ang karelasyon ko, taga-showbiz din. Dun na gumagalaw yung mundo ko, yung trabaho.

"Nakalimutan ko na yung isang side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, happy ako na mas alam ko na kung ano yung para sa akin and ano lang yung para sa trabaho.”

Ayon pa kay Zanjoe, hindi siya naghahanap ng karangyaan kahit pa sabihing maganda ang takbo ng kanyang karera at kumikita rin naman siya.

“Actually, mas nag-e-effort akong makihalubilo sa mundong ‘to kasi medyo glamorous, medyo fancy yung showbiz. So, medyo hindi ako yun.

“Till now, mas gusto ko talaga mapunta lagi sa simplicity. Pati kung saan ako magse-settle down, kung saan ako  titira.

“Bumabalik pa rin ako kung saan ako nagsimula.”

WORK-LIFE BALANCE

Ganunpaman, siniguro ni Zanjoe na hindi dahil gusto niya ng simpleng buhay ay nagbabalak na siyang iwan ang showbiz.

“Sa ngayon, hindi ko siya naiisip na itigil o kumbaga gawin lang siyang part-time.

“Hanggang ngayon naman, nasa loob ko pa rin na eto yung magiging trabaho ko, eto yung magiging passion ko hanggang pagtanda.

“Sana huwag mawala yun.” 

Nasa artista naman daw kung paano i-manage ang trabaho at personal na buhay.

“Oo, hangga’t gusto ako ng kumpanya, hangga’t gusto ako ng tao, hindi naman siguro ako titigil.”


Stories We Are Tracking

Zanjoe mum about rumored relationship with surfer-model
Zanjoe mum about rumored relationship with surfer-model
Zanjoe confirms
Zanjoe confirms "getting-to-know" stage with surfer-model
Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?
Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN