Jason Abalos denies living-in with girlfriend Vickie Rushton

IMAGE Arniel Serato / @vimrushton on Instagram

Jason Abalos and girlfriend Vickie Rushton celebrate eight years of friendship.


Anim na taon na ang relasyon nina Jason Abalos at Bb. Pilipinas 2018 1st runner-up na si Vickie Rushton, kaya naman hindi maiwasang itanong sa kanila kung may plano na silang magpakasal.

Sa grand presscon ng Asawa Ko, Karibal Ko, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor ang tungkol sa kasalan.

Tugon ni Jason, “Parang kami naman ni Vickie hindi kami humihintong mangarap, e.

“Sa ngayon kasi ini-enjoy namin yung mga panahong kaming dalawa pa lang muna.

“Si Vickie bata pa rin, so parang ako, hintay lang talaga sa tamang panahon.

“Hindi naman yan minamadali, e.

"Kumbaga kapag naramdaman mong yun na, yun na talaga, e.”

Nitong nakarang Huwebes, October 18, sinariwa ng dalawa ang araw na nagkakilala sila sa Bacolod may walong taon na ang nakaraan.

Sabi ni Jason sa post niya sa Instagram, “8 years ago fan na fan lang kita tapos umakyat ka pa sa stage para ikaw kantahan ko kilig na kilig ka pa nga eh tapos nanligaw ka na dumadalaw ka sa Manila galing Bacolod.”

Ayon naman kay Vickie sa kanyang post sa Instagram pa rin, “8 years ago today I met this amazing man. Little did I know he would change my life forever. Happy friendiversary!”

Nagli-live in na ba sila ng girlfriend?

Mariin itong itinanggi ng Kapuso aktor.

Kuwento pa ni Jason, “Hindi, hindi. Si Vickie ay sobrang conservative na tao.

“Mommy niya, nakapangako siya sa mommy na kailangang kasal muna.”

Pero minsan naman daw ay napag-usapan na nila ang kasal at pagbuo ng pamilya.

Sabi pa ni Jason, “Nag-ano lang kami na parang ang sarap gumawa ng baby parang ganyan, may mga ganyang usapan.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN