Maine Mendoza on Marian Rivera's revelation about her suitors: "Biro lang niya yun."

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza relates what she likes about confiding to Marian Rivera and getting advice from her. "Isa siya sa pinaka-totoong taong nakausap ko. She doesn't have to sugarcoat anything, as in straightforward niyang sasabihin sa 'yo. Kung ano tingin niya... Naa-appreciate ko yun kasi, siyempre, gusto naman nating lahat ng honest na tao."


Ayon kay Maine Mendoza, lingid sa kaalaman ng karamihan, malapit talaga sila ni Marian Rivera sa isa’t isa bilang pareho silang talents ng Triple A management.

At higit pa raw doon, “Honestly... mag-ate po talaga kami.

“Kasi, privately, nag-uusap po kami ng mga bagay na sa tingin ko at kailangan ko ng advice na someone from showbiz talaga.

“Feeling ko talaga naiintindihan niya rin siyempre dahil nagdaan na po siya sa ganito.

“So, siya po ang unang pinaka na-approach ko.

"And sobra na rin po yung conversation, chika-chika na rin talaga.

“Nakakatuwa kasi hindi ko ini-expect na magiging ganun ang relationship namin.”

Ayon nga kay Marian, nag-swak silang dalawa ni Maine. Lalo na yung pagiging pareho nilang open at transparent.

Nakikita ba ni Maine ang ilang karakter niya kay Marian?

“Opo,” mabilis niyang sagot.

“Sa totoo lang po, isa siya sa pinakatotoong taong nakausap ko.

“Kung may sasabihin man siya, she doesn’t have to sugarcoat anything, as in straightforward niyang sasabihin sa iyo.

“Kung ano tingin niya, kung ano ang advice niya sa iyo, kung ano ang tingin niya na dapat mong gawin.

“Yun, naa-appreciate ko yun, kasi siyempre gusto naman nating lahat ng honest na tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maine sa mediacon ng Maxi Peel Zero, kunsaan sina Maine at Marian ang celebrity endorsers nito.

Ginanap ito sa Cafe Romulo noong October 19.

ADVICE FROM MARIAN

Sa nasabing event ay ibinuko ni Marian na marami raw manliligaw si Maine.

Reaksiyon dito ng Eat Bulaga! host, “Natatawa po ako, pero biro lang niya yun, biro lang.

“Grabe naman yung marami, grabe naman yun…. mga 54 lang!

“Pero hindi po, biro lang!” natawang tanggi pa rin niya.

Ano ang madalas na ipinapayo sa kanya ni Marian, halimbawa, sa love life?

“Hindi naman specific lang sa love life. but life in general. Ang palagi niyang sinasabi sa akin, just enjoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan ka lang mapupunta sa posisyon na ‘yan, minsan ka lang magiging bata.

“So, anuman ang dumating sa iyo, anuman ang ibigay sa ‘yo ni Lord, sino man ang pumasok sa buhay mo, enjoy mo, kilalanin mo.”

Kapansin-pansin nga na mas relax at mas kumportable ngayon si Maine.

“Opo!” ang nakangiti at mabilis niyang pagsang-ayon.


Stories We Are Tracking

Marian Rivera teases Maine Mendoza about her suitors
Marian Rivera teases Maine Mendoza about her suitors
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Is Ria Atayde's tweet about dating alluding to Arjo, Maine?
Is Ria Atayde's tweet about dating alluding to Arjo, Maine?

FUN PEOPLE, FUN PROJECTS

Samantala, nag-e-enjoy raw si Maine sa unang sitcom niya, ang Daddy’s Gurl kasama si Vic Sotto.

“Ay, opo, sobra, sobra! Kasi yun po talaga, parang comedy lang and masaya rin po sa set.

“Kasi magaan lang ang aura ng mga katrabaho mo kaya masarap magtrabaho.

“At saka, hindi siya mahirap. Parang natural lang.”

Tuwang-tuwa rin si Maine dahil pilot pa lang nila noong isang linggo, hindi lang mataas na ratings ang nakuha ng show kundi naging number one trending topic din sa Twitter.

Sabi niya tungkol dito, “Sobrang thankful din po ako sa kanila and nakiki-tweet din po ako sa kanila.

“First time ko lang din po makikita yung episode kasi hindi naman ako sumama sa viewing or anything.

“Naiinip din ako kapag magku-commercial!”

Dagdag ni Maine, "Nakiki-tweet din ako at kahit na ako yung napapanood ko, natatawa rin ako. Feeling ko normal person ako.

"I don’t see myself as myself, as Maine Mendoza.”

Tapos na rin niyang i-shoot ang Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jak Em Popoy: The Puliscredibles, kunsaan kasama niya sina Vic Sotto at Coco Martin.

“Ay, mixed emotion po ako,” pag-amin ni Maine.

“Masaya ako dahil finally tapos na. Pero malungkot din ako kasi, finally tapos na...”

Kumusta si Coco?

“Sobrang bait po, sobrang gentleman, sobrang lambing. At ganun po siya sa lahat ng tao,”  tugon ni Maine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN