Darren Espanto, JK Labajo engage in word war over "gayness" tweet

IMAGE @darrenespanto Instagram / @officialjuankarlos Facebook

Darren Espanto calls out JK Labajo for calling him gay on Twitter; JK refuses to apologize for an alleged tweet that did not come from him.


Sumabog sa Twitter ang word war sa pagitan ng singers na sina Darren Espanto at JK Labajo dahil sa diumano’y pagtawag ng "bakla" ni JK kay Darren.

Ito ay sa kabila ng paninindigan ni JK na hindi nanggaling sa kanya ang mapanirang tweet at posibleng na-hack lang umano ang Twitter account niya.

Nag-ugat ito sa tweet ni JK na nagsasabing, “@Espanto2001 gayness at its finest.”

Ngayong Lunes, October 22, inilantad ni Darren ang screen shot ng tweet ni JK na may petsang October 19.

Dito ay inihayag ni Darren na hindi siya naniniwala sa palusot ni JK na “hacker” ang may kagagawan nito.

Galit na sabi ni Darren kay JK:

Nagpupuyos din ang galit ni JK dahil isinapubliko pa raw ni Darren ang gusot sa pagitan nila, gayong sinubukan daw ng una na linawin ang isyu sa pamamagitan ng palitan nila ng private messages.

Sina Darren at JK, parehong 17 years old, ay batchmates sa singing competition ng ABS-CBN na The Voice Kids noong 2014.

JK AND DARREN'S PRIVATE EXCHANGE

Kasabay nito ay inilantad din ni JK ang screen shot ng palitan ng mensahe sa pagitan nila ni Darren, kung saan sinabi ni JK na may ibang tao umanong gumagamit ng kanyang Twitter account.

Sabi ni JK, "just so you know hindi ako yun. ask mca if you dont believe me.

"someone else is using my twitter account.

"so you better tell your fans and/or family to calm the f*** down because the last thing i f****** want is to be accused of something i didnt f****** do. cheers."

Ang tinutukoy ni JK na mca ay ang MCA Music Inc. na parehong record label nila ni Darren. 

Depensa pa ni JK, posible ring "edited" lang ang "gayness at its finest" tweet ng kung sinumang naninira kay Darren. 

Buwelta naman ni Darren, sa panahon ngayon ay madali nang ma-detect kung totoong na-hack o may ibang gumamit ng isang Twitter account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Daren kay JK, “Prove it and man up! I am just here and ready to show the world who the real GAY one is.”

At press time, binura na ni JK ang tweets na ito dahil sa binitiwang cuss words sa gitna ng pagdepensa niya sa sarili.

JK INSISTS THE TWEET WASN'T FROM HIM

Pagkatapos ay nagpakawala si JK ng panibagong tweets kung saan iginiit niyang hindi siya hihingi ng sorry para sa isang tweet na hindi naman daw niya kagagawan.

Narito ang paliwanag ni JK:

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag nina Darren at JK hinggil sa kinasasangkutan nilang isyu.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN