Kris Aquino reacts to viral photo of Vice Ganda with Imee Marcos

IMAGE rmology (Twitter) / @krisaquino on Instagram

Kris Aquino defends Vice Ganda over viral photo of the It's Showtime host with Ilocos Norte Governor Imee Marcos.


“Hayaan mo na sila!!! Keri ko na to!”

Bahagi ito ng mensahe ni Vice Ganda, 42, kay Kris Aquino, 47, matapos mag-react ang huli sa larawang lumabas kung saan kasama ng It's Showtime host si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Agad nabigyan ng kulay ang larawan nina Vice at Imee na kuha sa airport ng Ozamiz City, Misamis Occidental, noong Linggo, October 21.

Nilinaw ni Vice na walang ibig pakahulugan ang larawan at lalong hindi raw niya iniendorso si Imee, na kakandidato sa pagka-senador sa 2019 elections.


Stories We Are Tracking

Vice Ganda clarifies photos with Imee Marcos in Ozamiz City
Vice Ganda clarifies photos with Imee Marcos in Ozamiz City

Hindi lingid sa marami ang malalim na hidwaang politikal sa pagitan ng mga Marcos at Aquino.

Naging matapang na kritiko si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ama ni Kris, sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ama ni Imee.

Sa Instagram post ni Kris, sinabi nitong nirerespeto niya ang karapatan ng bawat tao kung sino ang gusto nitong kampihan.

Sabi pa niya, “I saw the pics & personally didn’t feel it was early campaigning."

Hindi lang daw gusto ni Kris na iniintriga sila ni Vice, na dati niyang malapit na kaibigan.

Mahal daw niya si Vice dahil mahal ito ng kanyang bunsong anak na si Bimby.

Pahayag ni Kris, “Di nya kailangan magsalita ako kasi millions ang followers & defenders nya, di ko lang trip na intrigahin pa kami; life’s too short para ma stress.

"BIMB wholeheartedly loves his tito vice @praybeytbenjamin... kuya josh is a tito Willie (Revillame) loyalist- i’m being #real, we have FREEDOM of choice in our home. Pag minahal ng mga anak ko, mahal ko rin.”

Sumagot dito si Vice Ganda at tiniyak kay Kris na kaya niya ang sarili sa pang-iintrigang ito.

Sinabi rin ni Kris na hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ang paggawa ng post kung hindi niya totoong mahal si Vice.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN