Angelica Panganiban posts sweet message for Carlo Aquino: "Mahal kita."

IMAGE Noel Orsal / @iamangelicap Instagram (inset)

Angelica Panganiban to ex-boyfriend Carlo Aquino: "Hindi na matatapos. Lahat ng kaligayahan ngayon, para sayo. Mahal kita."


Hindi magkamayaw ang netizens sa pahaging ni Angelica Panganiban na patuloy pa rin ang kilig sa pagitan nila ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino. 

Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, October 23, ipinadama ni Angelica ang pagmamahal para kay Carlo.

Kalakip nito ang litrato kung saan makikitang magkayakap ang dalawa habang nakaupo si Angelica sa kandungan ni Carlo.

Hindi malinaw kung kuha ito sa eksena sa pinagtambalan nilang pelikula na Exes Baggage o personal picture mula sa madalas nilang pagkikita sa labas ng trabaho nitong mga nakaraang buwan.

Sabi ni Angelica sa caption, "Hindi na matatapos. Lahat ng kaligayahan ngayon, para sayo. Mahal kita."

Bunsod nito ay napatanong ang Instagram followers: Totohanan na ba ang ugnayan sa pagitan nina Angelica at Carlo?

Pati ilang showbiz colleagues ng ex-couple na sina Miles Ocampo, Nash Aguas, Alora Sasam, Maxene Magalona, at Cholo Barretto ay napa-comment din sa post ni Angelica.

Anim na taong naging magkarelasyon sina Angelica at Carlo hanggang sa tuluyan silang naghiwalay noong 2006.

Ayon kay Angelica, isa sa malaking pag-aaway nila ni Carlo noon ay may kinalaman sa third party.

Sa kabila nito ay nanatiling mabuting magkaibigan ang dalawa kahit pa noong panahong nagkaroon sila ng kani-kanilang karelasyon.

Sa mga huli nilang panayam sa press ay consistent sila sa pagsasabing walang ligawang nangyayari sa pagitan nila.

Pero nilinaw rin ng dalawa na hindi promo ang pagiging sweet nila sa isa't isa.

“Hindi po kami nagpapakilig. Ayaw na nga namin, e... 'Tsaka antanda na namin," saad ni Angelica sa panayam sa kanila ni Carlo sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda noong September 24.

Paglilinaw rin ni Carlo, “Natural lang kasi kami talaga.”


Stories We Are Tracking

Angelica recalls pain of second breakup with Carlo
Angelica recalls pain of second breakup with Carlo
Angelica reveals Carlo broke up with her because of Maja
Angelica reveals Carlo broke up with her because of Maja
Carlo clarifies his parents' visit to Angelica's home
Carlo clarifies his parents' visit to Angelica's home
Angelica reacts to being linked to Carlo, Zanjoe, JM, JC
Angelica reacts to being linked to Carlo, Zanjoe, JM, JC


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN