Janella Salvador confirms she was hurt physically by Elmo Magalona

IMAGE Noel Orsal

Janella Salvador on Elmo Magalona: "It was not the first time that he hurt me. The first time happened months earlier. He claimed that he didn't remember what he did, maybe because he had a drink, and he asked for forgiveness, and I gave him a chance."


Kinumpirma ni Janella Salvador ang matagal nang usap-usapan tungkol sa pananakit umano sa kanya ng ka-love team at rumored boyfriend na si Elmo Magalona.

"I decided to speak up now because I want to stop the lies," panimula ng 20-year-old actress-singer sa exclusive interview sa kanya ni Ricky Lo na lumabas sa The Philippine Star ngayong Miyerkules, Oktubre 24.

Ayon kay Janella, dalawang beses siyang sinaktan ni Elmo, 24, nang lasing ito.

Pinatawad daw niya noong una si Elmo, ngunit naulit ang pananakit sa kanya nang um-attend sila sa party ng isang kaibigan ni Janella kamakailan.

Lahad ni Janella, "It was not the first time that he hurt me. The first time happened months earlier.

"He claimed that he didn’t remember what he did, maybe because he had a drink, and he asked for forgiveness, and I gave him a chance.

"I told him, 'Next time, don’t bring yourself to the point that you will hurt someone.'

"He promised naman that he wouldn’t do it again."

(Sa pagkakaalam ng Philippine Entertainment Portal ay nangyari ang pangalawang insidente sa isang bar sa Taguig City noong September 8, 2018.)

Sina Janella at Elmo ay parehong mula sa mga prominenteng pangalan sa showbiz.

Si Elmo ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona sa talent manager na si Pia Arroyo-Magalona.

Nasa entertainment business din ang mga kapatid niyang sina Maxene, Saab, at Frank Magalona.

Si Janella naman ay anak ng veteran singer-actress na si Jenine Desiderio sa band vocalist na si Juan Miguel Salvador.

Sa panayam, inamin ni Janella ang pagkonsulta sa isang psychiatrist, pero nilinaw niyang ang dahilan nito ay "nothing mental."

Dagdag pa niya, "I know that Elmo has also been seeing a psychiatrist. He’ s seeking professional help.

"I support him on that. It’s good that he recognized the problem and he’s addressing it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Janella na nagsalita siya hindi para gantihan si Elmo, pero dahil hindi raw tumupad si Elmo sa pangakong gagawa ng public statement kung saan aakuin nito ang pananakit sa kanya.

Siya pa raw kasi ang sinisisi ng karamihan ng netizens sa social media sa nangyari.

"My purpose in speaking now is not to shame him or to put him down; I just want to correct the lies being spread against me and my mom, and to let the truth out.

"I thought long and hard before I decided to speak out. I gave (Elmo) the chance to speak up and own up to what he did but it seems that somebody is stopping him from doing it."

Inamin din ni Janella na hindi na niya sinusuot ang "friendship necklace" na niregalo sa kanya ni Elmo.

Sabi pa ng dalaga, "For two years, I focused on Elmo and myself.

"This time, I am giving more attention to myself.

"He hurt me and I cannot, can never tolerate that."

Ang insidente ng pananakit ni Elmo kay Janella ang naging dahilan para muling mag-usap ang young actress at ang kanyang inang si Jenine.

"We are fixing things. We are talking.

"I may not agree with the extreme way she expresses her feelings but I realized that her intentions are good.

"At the end of the day, I know now that my mom is there for me," pahayag ni Janella tungkol sa kasalukuyang relasyon nila ng ina.

Sa November ay may mga show sina Janella at Elmo sa Calgary, Vancouver, at Toronto, Canada, kung saan makakasama nila ang real-life sweethearts ding sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Posibleng ang Canada shows ang huli nang pagsasama ng ElNella love team, dahil nagsalita si Janella na pagkatapos ng mga nangyari, parang hindi na niya hahayaan ang sarili na makatrabaho si Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanggap ng Star Magic ang Canada shows bago pa nangyari ang huling pananakit ni Elmo kay Janella.

Ang Star Magic ang co-manager sa pamamahala sa showbiz career nina Janella at Elmo; katuwang si Manny Valera para kay Janella at si Pia Magalona para sa anak na si Elmo.

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang kampo ni Elmo tungkol sa isyu.


Stories We Are Tracking

Janella, Jenine have cryptic posts about physical violence
Janella, Jenine have cryptic posts about physical violence
Janella Salvador back on good terms with mom Jenine
Janella Salvador back on good terms with mom Jenine
Jenine tags Elmo as person who allegedly hurt Janella
Jenine tags Elmo as person who allegedly hurt Janella


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN