Lea Salonga reacts to backlash against Aga Muhlach

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal

Lea Salonga: "We are a country of 100M people, each with an opinion and a unique point of view, hoping for our public servants to start working for us."


Inalmahan ng Pinay International Broadway Diva na si Lea Salonga ang pananaw ng isang abugado tungkol sa dati niyang leading man na si Aga Muhlach.

Nagsimula ito sa naging pahayag ni Aga tungkol kay Senator Antonio Trillanes sa guest appearance ng aktor sa Gandang Gabi Vice noong nakaraang Linggo, October 13.

Sa unedited/unaired clip ng show, tinanong si Aga kung ano ang itatanong niya kay Senator Trillanes, na kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sagot ng multi-awarded actor: "Nakakapagod na. Ano ba gusto mo mangyari?

"Parang nag-e-enjoy ka na lang diyan. Tumulong ka na lang.

"Nakakapagod na minsan, kahit sinong umupong presidente, sinisiraan.

"Ito, ginagawa naman ng Presidente nating nakaupo yung ginagawa niya, marami mang hindi masaya sa kanya pero ang punto ko, yung mga nakapuwesto rin, tumulong na lang kayo sana.

"Stop, collaborate, and listen."

Bunsod ng komento ni Aga, ang abugadong si Jesus Falcis ay nag-post ng reaksiyon sa kanyang Facebook account noong October 18.

Mababasa sa kanyang post na minaliit niya si Aga sa pamamagitan ng pagtawag ditong "isang artista lang" at "bobo."

 IMAGE Courtesy: Facebook

May panawagan pa ang iba na i-boycott ang pelikula nina Aga at Bea Alonzo na First Love na palabas pa rin sa mga sinehan ngayon.

Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon sa pahayag na ito ni Atty. Falcis laban kay Aga ay ang talent manager-comedian na si Ogie Diaz.

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, October 22, sinabi ni Ogie na lahat ay may kalayaang maghayag ng opinyon at dapat lamang itong irespeto ng bawat isa.

Sinang-ayunan naman ito ni Lea.

Sabi ng international singer sa kanyang komento sa post ni Ogie, “Nicely said. Ika nga, 'I may not like what you said, but I will defend to the death your right to say it.'

"I'm only paraphrasing here, but that's the thought. This is supposed to be a democracy, and everyone has their right to an opinion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As citizens of this republic, we have the right to criticize our leaders. A right, AND a duty."

Dagdag pa ni Lea, mas nakakadismaya ang kakulangan ng komunikasyon ng mga taong may pagkakaibang paniniwala sa pulitika.

Aniya, “To add: the frustrating point for many citizens is not so much the criticisms, but the lack of either side reaching out to the other to reach common ground.

"Be you red, yellow or blue, we need to serve the country first. We are a country of 100M people, each with an opinion and a unique point of view, hoping for our public servants to start working for us.

"(To be fair, there are politicians who put their constituents first. May their kind thrive.)"


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN