Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jenine Desiderio reacts to Janella Salvador's physical abuse accusation vs. Elmo Magalona

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2018
Jenine Desiderio on daughter Janella Salvador and Elmo Magalona: "I will still pray that God will guide both of them in their individual journeys to healing."

Nagsalita na rin ang singer-actress na si Jenine Desiderio kaugnay ng rebelasyon ng anak na si Janella Salvador tungkol sa pisikal na pananakit umano sa kanya ng ka-love team at rumored boyfriend na si Elmo Magalona.

Isiniwalat ni Janella, 20, ang dalawang insidente ng pananakit umano sa kanya ni Elmo, 24, sa exclusive interview niya kay Ricky Lo na nailathala sa The Philippine Star ngayong Miyerkules, Oktubre 24.

Pagkatapos lumabas ng artikulo, kaagad kinontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jenine upang kunan siya ng pahayag.

Ngunit hindi namin agad nakausap si Jenine dahil nagpunta siya kaninang umaga sa isang pribadong lugar sa Sta.Cruz, Laguna.

Nagtungo roon ang dating Miss Saigon star para magpasalamat nang personal sa imahe ng Sto. Niño, na dati na raw may mga ginagawang himala sa buhay niya at ng kanyang pamilya.

Nakausap sa wakas ng PEP.ph si Jenine sa pamamagitan ng telepono ngayong gabi.

Dito ay inihayag niya ang saloobin sa rebelasyon ni Janella tungkol kay Elmo.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jenine, "I felt a great deal of relief after reading the articles containing Janella’s tell-all.

"It’s like a huge rock has been lifted from my back and the darkness has been replaced with light.

"Now our wound can start healing. Thank you for all your prayers. God is good all the time."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Maligayang-maligaya at nagpasasalamat din si Jenine sa lahat ng mga nakakaunawa sa pinanggalingan niya bilang ina ni Janella.

ELMO'S VISIT

Bago pa kinumpirma ni Janella na may katotohanan ang mga unconfirmed report tungkol sa dalawang insidente ng pananakit sa kanya ni Elmo, nauna nang lumabas ang balitang personal na nakipag-usap at humingi ng paumanhin kay Jenine ang aktor.

Without going into details, sinabi ni Jenine na totoong nagkausap sila ni Elmo tatlong linggo na ang nakararaan.

Personal daw nagpunta ang aktor sa bahay niya.

Lahad ni Jenine, "Elmo talked to me three weeks after the incident, after Star Magic [people] talked to him.

Continue reading below ↓

"That’s when he promised me to post a video apology of himself.

"We waited for weeks but nothing came out so I guess that’s what prompted Janella to speak up."

Ang tinutukoy na insidente ni Jenine ay ang ikalawang beses na sinaktan umano ni Elmo si Janella, na nangyari sa isang bar sa Taguig City noong September 8.

Sa kabila ng hindi pagtupad ni Elmo sa pangako nito at sa pananakit niya kay Janella, sinabi ni Jenine na patuloy ang kanyang pagdarasal para sa dalawa.

"I will still pray that God will guide both of them in their individual journeys to healing."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jenine Desiderio on daughter Janella Salvador and Elmo Magalona: "I will still pray that God will guide both of them in their individual journeys to healing."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results