Alex Gonzaga teases Luis Manzano about past with Toni Gonzaga: "Binasted siya ng ate ko!"

IMAGE Noel Orsal

Alex Gonzaga on Luis Manzano: "Si Kuya Luis kasi, kahit alam ko na sobra kami magbiruan, alam ko na genuine yung care niya sa akin. Tried and tested ko na yung biruan namin is just part of our friendship."


Inihayag nina Luis Manzano, 37, at Alex Gonzaga, 30, na tatak na ng pagkakaibigan nila ang pang-aasar sa isa’t isa, sa harap at likod ng camera at pati na rin sa social media.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ang friendship nila ay mas matimbang pa sa friendship ni Luis kay Toni Gonzaga, on cue ang pambubuska ni Alex kay Luis.

Hirit ni Alex, “Tsaka binasted siya ng ate ko!”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na naging masugid na manliligaw ni Toni si Luis nang magkatambal sila sa ABS-CBN romantic-comedy series na Crazy For You, na umere mula September to December 2006.

Kunwa’y naiinis na saad ni Luis kay Alex, “Ba’t mo ibinalik?!

Sabay paliwanag ni Luis, “Siguro yung sa amin ni Toni, alam natin kung paano nagsimula, naging romantic.

“Eto, yung sa amin ni Alex, all throughout na-establish namin yung friendship, it grew and it grew.

“Dumating ako sa debut niya na hindi niya alam ba't ako nandun. Hahaha!

"Isipin mo nandun ako sa debut niya, nakita niya ako."

Natatawang balik-tanaw din ni Alex, “'Ba’t ka nandito? Sino ba nag-invite?' Hindi ko talaga alam.

"Ta’s nag-uwi pa siya ng ulam!

“After 10 years or more, friends pa rin kami ni Kuya Luis and much closer kami.”

Nakapanayam ng PEP.ph sina Luis at Alex sa presscon ng Shakey’s Salmon Pizza, sa Shakey’s restaurant sa Magallanes, Makati City, noong Martes, October 23.

BAWAL ANG MA-FALL

Dito ay pabirong sinabi ni Luis na binalaan niya si Alex na bawal itong magkaroon ng romantic feelings sa kanya.

Lalo na nang magkalapit pa sila lalo dahil host si Luis at singvestigator naman si Alex sa ABS-CBN reality show na I Can See Your Voice.

“Unang-una, I have Jessy. Mikee is a good person,” pagtukoy ni Luis sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola at boyfriend ni Alex na si Mikee Morada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Luis, “Clinear ko sa kanya na, ‘Hanggang friendship lang kaya kong ibigay sa iyo.'

“So kung anuman ang habol mo sa akin, katawan ko, pagmamahal ko, hindi ko kayang ibigay yun.

“Bilang isang kuya, kapatid kaibigan, todo na. Pero yung gusto mo minsan, nabababuyan ako sa gusto mo, e.”

Ayon kay Alex, ang totoo ay mismong mga kaanak ni Luis ang nagsasasabi kung gaano nito kamahal ang dalaga.

“Si Kuya Luis kasi, kahit alam ko na sobra kami magbiruan, alam ko na genuine yung care niya sa akin.

“Tried and tested ko na yung biruan namin is just part of our friendship. Pero we are really true friends.

“Actually, may nagsabi sa akin, hindi ko na papangalanan, ‘Alam mo si Kuya Luis mo, parang mas mahal ka pa niya talaga sa lahat.’

“Kasi grabe niya ako kumustahin, laging bukambibig ako ni Kuya Luis.

“So sabi ko, ‘Uy, baka kailangan ko na siyang layuan kasi baka ma-fall siya. Hahaha!”

Sabay komento ni Luis, “Kung puwede lang magmura, nagmura na ako, e!”

TRUE FRIENDS

Sa huli, iginiit nina Luis at Alex na hindi sila nagkakapikunan sa kanilang mga biruan.

Paliwanag ni Luis, “Siguro sa maturity namin, alam naming kung anong puwedeng biro sa hindi or kung ano yung alam mong medyo may personal nang tirada.

“Timplado na namin ang isa’t isa.”

Kung tutuusin ay mas grabe pa raw ang kulitan nila sa likod ng kamera o labas ng social media.

Dagdag ni Luis, "She is one of my favorite people in this planet.

"Kahit na yung asaran namin, ang dami ko rin nasi-share sa kanya about me in general."

Ganun din naman daw si Alex kay Luis.

"I wasn’t blessed to have a brother, so si Kuya Luis ang ibinigay sa akin ni Lord—or ni satan siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very happy na yung friendship namin is beyond showbiz.

"Kasi naging friends na tayo even before pa tayo nagkatrabaho."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN