Miss Paraguay faints on stage after she was declared Miss Grand International 2018

Clara Sosa of Paraguay fainted on stage after host Xian Lim announced that she is the winner of Miss Grand International 2018.


Bigo ang Philippine bet na si Eva Patalinjug na maiuwi ang Miss Grand International 2018 crown.

Hindi siya pinalad manalo sa grand coronation na ginanap sa The One Entertainment Park sa Yangon, Myanmar, kagabi, October 25.


Ang 24-year-old na si Clara Sosa ng Paraguay ang nagwaging Miss Grand International 2018.

Naging makasaysayan ang kanyang tagumpay dahil nahimatay ang beauty queen nang i-announce ng host na si Xian Lim ang pangalan niya.

Ikinabigla ng lahat ang hindi inaasahan na insidente, agad na lumapit si Xian kay Miss Paraguay na nawalan ng malay.

Pero makalipas ang ilang segundo, nahimasmasan din si Sosa at ipinutong sa kanya ni outgoing Miss Grand International 2017 Maria Jose Lora ang korona.

First runner-up ni Sosa si Miss India Meenakshi Chaudhary, second runner-up si Miss Indonesia Nadia Purwoko, third runner-up si Miss Puerto Rico Nicole Colon, at fourth runner-up si Miss Japan Haruka Oda.

Hindi man nakasali sa Top 20 candidates si Patalinjug, karangalan pa rin sa Pilipinas na si Xian ang muling napiling host ng grand coronation ng Miss Grand International 2018.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN