Breadwinner Kiray Celis takes first step to earn money for herself

IMAGE Gorgy Rula

Kiray Celis on being a breadwinner: "All my life, I've been helping my family, and this time I want to help myself also... I realized na… dumating ako sa point na nabigay ko sa family na nabigyan sila ng bahay, ng kotse, may paupahan sila sa baba. Naisip ko, parang, 'Bakit wala ako? Ba't kailangang humingi para lang ako makabili at magkaroon? Wala akong sariling pera.' So, naisip ko na kahit anong mangyari, gusto ko ngayon meron akong mapupuntahang sarili."


Pinabulaanan ni Kiray Celis na nagli-live in na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Magdadalawang taon na ang kanilang relasyon at okey naman si Kiray sa ideyang mag-live in, pero hindi pa raw siya handa sa ngayon.

“Okay naman po. Pero gusto ko muna may maipagmalaki pa ako sa sarili ko, bago ako makisama sa ibang tao,” sabi ng 22-year-old actress sa mediacon ng pelikulang Class of 2018 kahapon, October 25.

Kasama pa rin daw ni Kiray sa bahay ang kanyang pamilya, pero mayroon siyang negosyo kung saan ka-partner niya ang kanyang boyfriend.

May itinayo silang restaurant, ang Chicks and Fins, na matatagpuan sa Mendiola, Manila, malapit sa mga eskuwelahan doon.

Medyo mahina lang daw ngayon dahil sembreak, kaya walang mga estudyante.

BREADWINNER

Nag-decide daw silang magtayo ng negosyo dahil gusto ni Kiray na humawak ng sarili niyang pera na hindi na pakikialaman ng kanyang magulang.

Ilang porsiyento lang daw ng kinikita niya sa pag-aartista ang napupunta sa kanya dahil ang malaking bahagi nito ay para sa kanyang pamilya. Ang ama raw niya ang humahawak nito.

Nung una ay tila hindi pa ito matanggap ng kanyang pamilya, pero kailangan na raw niyang mag-decide ng para sa kanya.

Ani Kiray, “All my life, I’ve been helping my family, and this time I want to help myself also.

“Nung una, nagtaka sila, ‘Bakit, anong meron?’ Pero wala namang reason.

“I realized na… dumating ako sa point na nabigay ko sa family na nabigyan sila ng bahay, ng kotse, may paupahan sila sa baba.

“Naisip ko, parang, 'Bakit wala ako? Ba’t kailangang humingi para lang ako makabili at magkaroon? Wala akong sariling pera.'

“So, naisip ko na kahit anong mangyari, gusto ko ngayon meron akong mapupuntahang sarili.

“Hindi ko kailangan ng tulong kasi meron akong... may source.”

Hindi diretsahang sinabi ni Kiray na sa kanya lang umaasa ang kanyang buong pamilya, pero mabuti’t may trabaho na raw ngayon ang mga kapatid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buong buhay ko, ako lang yung nagwu-work para sa family ko, and ako lang yung meron kayang para tulungan sila.

“Pero may work na rin yung mga brothers ko. Kasi may sari-sarili na rin naman silang pamilya, e.

“Hindi naman ako madamot. Okay ako sa mga pamangkin ko.

"Pero sana yung mga needs nila na iba, ibili niyo para sa sarili niyo, hindi na parang… sa amin na rin kasi sila nakatira, e,” lahad ni Kiray.

SETTING ASIDE BUSINESS

Medyo mahirap, pero nakakapag-adjust na raw si Kiray sa ganitong set-up nila ng boyfriend sa negosyo.

Pero ipinagkatiwala raw niya sa boyfriend ang pagma-manage ng kanilang restaurant.

Ayon kay Kiray, “Ang hirap i-set aside ng pagiging girlfriend na when you’re in a relationship at the same time business partner.

“Kasi ang iba… iba ang away, iba ang pera, e. Ibang usapan na yun kapag pera ang pinag-uusapan.

“Hindi ko siya pinapakialaman, kasi hindi ko field ang resto, e. So, hinahayaan ko siya.

“It helps na rin, kasi pag magkaaway kami, kailangan naming mag-usap kasi dahil sa business.

“So eventually, okay kami, nagkakabati kami, kasi kailangan naming mag-usap para sa trabaho.”

Hindi raw ganun katanggap ng pamilya ni Kiray ang kanyang boyfriend. Pero tila wala naman daw silang magawa kundi suportahan ang aktres.

“Kasi hindi sila sanay na nagbu-boyfriend na ako.

“I’m 22 na. Kumbaga, yun nga sabi ko sa tatay ko na I’m not young anymore.

“Late bloomer na nga ako, e,” pakli niya.

Seryoso raw ang relasyon nila ng kasintahan.

Ang hiling pa ni Kiray, kahit first boyfriend niya ito, sana ay ito na ang lalaking pakakasalan niya.

“Ayoko kasi ng paiba-iba.

“Since siya lang ang boyfriend ko, I realized na ang hirap pala kilalanin ang isang tao.

“Parang pag iniisip ko na may bago na naman akong kikilalanin o aalamin kung ano yung gusto o ano ang hindi, ang hirap. Ang hirap pala magsimula na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can’t imagine na may makilala na naman akong bago.

“Kaya sabi ko, sana ito na nga talaga, sana.

“Kasi hindi naman sa lahat ng relasyon, makapag-isip na mag-business together.

“Ibang level na kami, as in malayong level na hindi lang basta relasyon,” seryosong pahayag ng isa sa main cast ng Class of 2018, na magsu-showing na sa November 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN