Nash Aguas confirms Mika dela Cruz is now his girlfriend

IMAGE Noel Orsal

Kapamilya young actor Nash Aguas and Kapuso young actress Mika dela Cruz now officially a couple. "Iba yung feeling pala kapag may nasasabi na girlfriend ko," says Nash.


Inamin ng Kapamilya actor na si Nash Aguas, 20, na opisyal na ang relasyon nila ng Kapuso actress na si Mika dela Cruz, 19.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nash sa press conference ng horror movie na Class of 2018 kahapon, October 26, sinabi nitong wala pang isang linggo ang relasyon nila.

“Noong October 20,” nakangiting pagbanggit ni Nash kung kailan siya sinagot ni Mika.

Halos isang taon daw niyang niligawan ang dalaga.

Ano ang mga nakita niyang katangian ni Mika at talagang tiniyaga niyang ligawan ito ng isang taon? 

“Siguro siya talaga,” sambit ni Nash.

Hindi kaya maging sagabal sa kanilang relasyon ang pagkakaiba ng TV network na pinagtatrabahuan nila?

“Wala, yun nga ang nakakatuwa, wala.

“’Tapos, nagagawan at nagagawan ng paraan,” nakangiti niyang tugon.

Natawa naman si Nash nang sabihin naming mapapadalas na ang pagdalaw niya sa Malabon, kung saan nakatira si Mika.

THE LETTER

Idinaan ni Mika sa isang 15-page letter ang pagsagot niya kay Nash noong nasa Tagaytay sila.

Humagulgol daw talaga si Nash nang mabasa ang nilalaman ng sulat ni Mika para sa kanya.

“Yung iyak ko nga po dun, parang pang-TV Patrol, e. Parang ngawa!” natawang pag-amin niya.

Kuwento pa ni Nash, “Sa fifteen pages na yun kasi, ang story po nun, noong bata ako, crush na crush ko po siya.

“To the point na binubuhat ko ang bag niya.

“Talagang nagpaparamdam ako na hindi kita gustong maging kaibigan, gusto kitang maging girlfriend, pero bata.

“Pero siya, sobrang takot niya sa ate niya kaya sobrang tinatarayan niya ako.

“Sobrang maldita niya sa akin, like, hindi niya ko pinapansin.

“So, dumating ang point na napagod ako.

“‘Tapos po nun, parang sa 15 pages na yun, doon niya sinabi ang side niya.”

Kilalang mahigpit ang Kapuso actress na si Angelika dela Cruz sa kapatid nitong si Mika, lalo na pagdating sa mga interesadong manligaw rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mismong si Mika ang nagkuwento na sa lahat daw ng gustong manligaw sa kanya, si Nash lang ang pinayagan ng ate niya.

Anong pakiramdam na tila boto sa kanya ang nakatatandang kapatid ni Mika?

“Naku, takot na takot po ako!” natawang pag-amin ni Nash.

“Kahit noong bata po ako, kapag nagpupunta po siya ng taping ng Goin’ Bulilit, hindi po ako nagha-hi talaga.

“Kasi, natatakot nga po ako dahil alam kong mataray si Ate Angelika. 

“Pero mabait po siya sa akin at sobrang thankful po ako dahil pinagkatiwalaan po ako.”

NOT THE REASON

Nilinaw ni Nash na walang kinalaman si Mika sa pagkabuwag ng love team nila ni Alexa Ilacad, ang NLex.

Saad niya, “Hindi po, si Mika nagkita lang kami ulit after two years.

“Noong nag-break lang kami ni Alexa, parang two months na kaming hiwalay ni Alexa saka kami nagkita ni Mika sa reunion ng Goin’ Bulilit.”

Wala rin daw kinalaman si Mika kaya sila nag-break noon ni Alexa.

“Wala... yun din ang gusto kong linawin. At saka, hindi ako ganun.

“Kumbaga sa pamilya namin, yung mom and dad ko, hindi nag-work out.

“So, parang bakit ako mag-i-initiate ng something na alam kong hindi tama?

“Sinigurado ko munang tapos.”

Kumusta naman ang pagiging mag-boyfriend/girlfriend nila ni Mika?

“Masaya,” nakangiting sabi ni Nash.

“Iba yung feeling pala kapag may nasasabi na girlfriend ko.

“Yun din, e, hindi ko get sa mga tao ngayon na parang ayaw nila na mag-commit ba na may girlfriend ka.

“Kumbaga, responsibility mo yun. Hindi puwedeng sabihin na M.U. lang kayo. 

“Kasi, parang takot kang mag-commit. Gusto mo, open relationship lang kayo.”


Stories We Are Tracking

Alexa Ilacad confirms breakup of love team with Nash Aguas
Alexa Ilacad confirms breakup of love team with Nash Aguas
Mika dela Cruz admits being courted by Nash Aguas
Mika dela Cruz admits being courted by Nash Aguas
Nash admits past romantic relationship with Alexa
Nash admits past romantic relationship with Alexa

NEW LOVE TEAM

Sa kabila ng pagkabuwag ng love team nila ni Alexa at pagkakaroon nila ng relasyon ni Mika sa totoong buhay, ang kapareha ni Nash sa pelikulang Class of 2018 ay si Sharlene San Pedro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May fans din na ang tawag sa kanilang tambalan ay NashLene.

Bakit biglang sila ni Sharlene ang pinagtatambal ngayon?

Paliwanag ni Nash, “Feeling ko, ang dami rin kasing naghihintay na mai-love team kami.

“Actually, ang ibang tao, hindi nila alam na may iba akong ka-love team.

“Ang akala nila, ang love team ko si Sharlene, kasi nakikita nila kami sa Goin’ Bulilit.

“Ang T-Rex lang talaga yung tumupad ng request.”

Hindi kaya siya pagbawalang magka-girlfriend ng iba dahil sa love team?

“Hindi po ako papayag,” mariing sagot ni Nash.

“Bakit naman? Kasi, kaya ka nagtatrabaho para magkapera.

“Ang daming means para magkapera. Puwede kang mag-business.

“Pero yung i-compromise mo ang taong mahal mo para sa trabaho, parang hindi makatao.”

Maging sila ni Sharlene, ayaw raw nilang lokohin ang mga tao kung ano ang totoo sa kanila.

“Yun din naman, ayaw rin naming magpanggap ni Sharlene kasi feel din namin na unfair sa mga tao.

“Magpapanggap kami na parang may something kami na kilig-kilig kami, ayaw rin namin nun.

“Kasi, eventually, made-decipher din ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN