Jonas Gaffud doesn't meddle in Pia Wurtzbach's love life

IMAGE Jona Gaffud Instagram

Jonas Gaffud explains why he doesn't meddle in Pia Wurtzbach's love life: "Basta yung hindi lang maaapektuhan ang career, dun lang ako papasok. Pero hangga't gusto nilang gawin yung gusto nila, fine."


Ayon sa talent manager at beauty-queen maker na si Jonas Gaffud, "chill" lang siya pagdating sa love life ng kanyang mga alaga, lalo na kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Saad niya, “Chill lang naman din ako.

“Basta yung hindi lang maaapektuhan ang career, dun lang ako papasok.

“Pero hangga’t gusto nilang gawin yung gusto nila, fine.

“Ako yung type of mentor na… yung pagiging mentor ko ay you give everything to them, you don’t spoonfeed them.

“Ito yung buhay, matuto ka, then sasalo ako pag may mangyari sa iyo, but you have to learn things on your own.”

Sumakit na ba ang ulo niya kay Pia sa usaping love life?

“Si Pia mas ano yun, mas makimkim na tao.

“Hindi siya yung… mag-o-open up lang yan pag medyo napuno na siya,” sagot ni Jonas.

Sino ang ma-open up sa kanya sa mga alaga niya?

“Babanggitin ko talaga? Ako, sarili ko! Hindi, joke lang.

“Wala naman. I mean, si Pia hindi ko nga alam yung mga past na boyfriends niya, e. Ganun.

“I mean, hindi siya yung open na open,” pahayag niya.

Pagdating sa mga isyu sa kanyang buhay, alam ni Pia kung papatulan niya o hindi. Kumbaga, matalino siya sa ganitong aspeto.

“Oo. Deadma lang siya,” pagsang-ayon ni Jonas.

Halimbawa one day ay biglang magsabi si Pia na, ‘Mama J, ikakasal na kami,’ ano ang magiging reaksiyon ni Jonas?

“Okay lang kung gusto niya, wala naman tayong choice, e.

“Parang ano yun, life’s choices. We are the choices that we make,” makabuluhan niyang pahayag.

Nasa kontrata ba ni Pia na hindi muna ito puwedeng mag-asawa?

Mabilis niyang sagot, “Wala!

“Hindi, siyempre nabe-burnout din yung tao but lagi namang may realization si Pia, kasi mature naman na yan mag-isip, e.

“Hindi siya parang bata na kung anu-ano lang. Number 1, she wants to be stable.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero marrying age na siya.

“Oo.”

Bakit walang filmfest entry si Pia?

“Wala kaming schedule. Next year pa yung two movies niya.”

Anu-ano yun?

Hirit niya, “Secret. Ino-offer pa lang.”

Ano ang participation ni Pia sa Miss Universe sa December 17 sa Thailand?

Pag-amin ni Jonas, “Wala pa kaming invite.

“Hopefully, may feelers na kung ano, pero hindi pa official.”

Pero past winner siya.

Paglinaw niya, “Hindi naman lahat ng past winners may participation.”

Pero iniimbita lagi lahat?

Paliwanag niya, “Hindi rin. May possible na participation pero hindi ko pa alam.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas sa Uptown Place Mall sa BGC, Taguig sa launch ng 1st GLAM o Global Asian Model Philippines search ng Empire.ph Studios at Mercator Artist and Model Management, noong October 24.

Eighteen female contestants at ten male candidates ang kasali sa naturang local search for aspiring models

Ang Xylo Bar sa BGC ang venue ng grand finals sa November 8, 2018 kunsaan lima ang winners na pipiliin at ipadadala ng Empire Studios.

Kabilang na rito ang isang lalaki para sa Manhunt International na magaganap sa Australia sa November 26- December 2; dalawang Best Model of the World (1 male and 1 female) na idaraos sa December sa Istanbul, Turkey; at dalawa pa ring representatives para sa GLAM Philippines International (1 male and 1 female also) na magkakaroon ng three-month contract each sa Manila, Bangkok, Singapore, at Los Angeles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN