Comedian Ate Gay reveals how Coco Martin made him happy

IMAGE Arniel Serato / Mark Atienza

Friends of Ate Gay hope Coco Martin will consider a role for the comedian in Ang Probinsyano. 


Hindi naitago ng singer at comedian na si Ate Gay—Gil Morales sa totoong buhay—ang kanyang saya dahil kay Coco Martin.

Sa kanyang Instagram (IG) kahapon, October 28, ibinahagi ng stand-up comedian ang palitan nila ng mensahe ng Ang Probinsyano star sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa IG

Nag-DM si Ate Gay kay Coco kung saan sinabi niya sa aktor na, “Nasa Bacolod ka. Nakita kita airport hehe.”

Pagkalipas ng halos 30 minuto, sumagot ang Kapamilya actor sa mensahe niya.

Tugon ni Coco, “Sayang di tayo nagkita. Manila npo ako now.”

Sagot niya kay Coco, "Ang saya ko naman sumagot ka hahaha. salamat mwaaah."

Sa caption, sinabi ni Ate Gay, “Eh yung Napasaya nya ako ng sobra sa pagsagot nya hahaha .... ang sayaaaaaah koooooooooh.”

View this post on Instagram

Eh yung Napasaya nya ako ng sobra sa pagsagot nya hahaha .... ang sayaaaaaah koooooooooh

A post shared by Gil (@ategay08) on

Sa comments section, nanawagan ang mga kaibigan ni Ate Gay na kunin ni Coco ang komedyante upang maging guest sa long-running primetime series niya sa ABS-CBN na Ang Probinsyano.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN