Is Cebuano race car driver Daniel Miranda the new boyfriend of Sofia Andres?

IMAGE Courtesy: @danielmiranda_ and @iamsofiaandres on Instagram

Sofia Andres posts sweet photo with rumored boyfriend Daniel Miranda on Instagram.


Kinakiligan ng maraming netizens ang bagong Instagram post ng aktres na si Sofia Andres ngayong Lunes ng hapon, October 29.

Ito ay dahil kasama niya sa larawan ang kanyang rumored boyfriend na si Daniel Miranda.

Walang caption sa post ng 20-year-old Kapamilya actress ngunit mukhang nasa bakasyon ang dalawa.

View this post on Instagram

A post shared by Sofia Alejandre (@iamsofiaandres) on

WHO IS DANIEL MIRANDA?

Si Daniel, 21, ay isang race car driver mula sa Cebu.

 IMAGE Courtesy: @danielmiranda_ on Instagram

Pitong taon na sa racing si Daniel. Nagsimula siyang mag-aral sa go-karts noong bata pa siya.

Ngayon, lumalaban na siya sa international tournaments sa Singapore, Indonesia, Macau, at iba pang Asian countries.

 IMAGE Courtesy: @danielmiranda_ on Instagram

Noong October 8, nag-post na rin si Sofia ng litrato ni Daniel sa Instagram ngunit hindi nito ipinakita ang mukha ng racer.

View this post on Instagram

A post shared by Sofia Alejandre (@iamsofiaandres) on

"I MISS YOU"

Samantala, noong October 14, nag-post din sa kanyang Instagram si Daniel ng larawan nilang dalawa ni Sofia.

Sabi niya sa caption, “I miss you.”

Kahapon, October 28, nag-post muli si Daniel ng larawan nilang dalawa ng rumored girlfriend.

Caption niya sa post, “Won all 3 races today.”

Sa bago namang post ni Daniel sa Instagram ngayong araw rin, isang "heart" emoji ang ikinomento ni Sofia sa larawan ng rumored boyfriend.

 IMAGE Courtedy: @danielmiranda_ on Instagram


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN