Rico J. Puno dies at 65

IMAGE @annapuno on Instagram

Rico J. Puno said in a previous interview, "I also believe that God allowed me to live, because I still have a mission to entertain and bring joy to people through my music." For a time in 2015, the music icon lost his voice after his triple bypass surgery.


Binawian ng buhay ngayong madaling araw, October 30, sa edad na 65 ang legendary singer na si Rico J. Puno.

Kinumpirma ito ng concert producer na si Anna Puno, pero hindi pa ito naglalabas ng kumpletong detalye tungkol sa tunay na dahilan ng pagpanaw ng OPM King.

Pahayag ni Anna, "I am seized with deep emotional shock when I found out that our OPM King—Kuya Rico J. Puno has passed away this morning (manila time).

"Numbed with grief, I would like to call on all entertainers in the OPM Industry as well as his worldwide fans to stop for a moment and say a prayer to one of the most respected singers in the country.

"I cannot help but say it was serendipitous that Starmedia prepared a solo 40th Anniversary concert for him and a U.S. tour with the OPM stalwarts and colleagues just recently.

"Little did I know that this is his Final Bow in the live entertainment world. We will forever miss the TOTAL ENTERTAINER...but his songs will forever cherish in our hearts."

Noong April 2015, sumailalim si Rico sa seven-hour heart surgery dahil nahirapan siyang huminga habang nasa taping ng Home Sweetie Home ng ABS-CBN.

Ang huli nitong presscon ay nito lamang October 18, para sa upcoming concert niya na Sana Tatlo Ang Puso Ko, kasama sina Marissa Sanchez at Giselle Sanchez.

Huling nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang frail-looking singer sa Rockwell Powerplant Mall sa Makati City, kasama ang kanyang anak na si Tosca Camille-Ramos, noong October 21.

Samantala, sa panayam kay Makati City Mayor Abby Binay noong October 23, 2018, isinawalat niyang apat na beses nang isinugod si Rico sa emergency room ng isang ospital noong nakaraang buwan dahil sa karamdaman nito sa puso.

Ang health condition ni Rico ang dahilan kaya pinigilan siya ni Binay na kumandidatong konsehal ng 1st District ng Makati City sa eleksiyon sa May 2019, pero pinili ng veteran singer na lumipat sa ibang political party at ituloy ang plano niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsilbi si Puno na konsehal ng naturang distrito noong June 1998 hanggang 2007, at muling nahalal noong June 2016.

Nag-umpisa ang singing career ni Rico noong 1975, at isa siya sa mga kinikilala na pioneer at promoter ng Original Pilipino Music.

Ilan sa mga kanta na pinasikat ni Rico ay ang "Kapalaran," "Buhay," "The Way We Were, "Macho Gwapito," at "May Bukas Pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN