Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pia Magalona to Elmo's fans: "Don't worry."

by Bernie V. Franco
Oct 30, 2018
Pia Magalona tweets a fan of Elmo Magalona and tells her not to worry. Meanwhile, Elmo remains mum on issue that he allegedly hurt Janella Salvador. Elmo is also quiet in his social media accounts.

Sa gitna ng pananahimik ni Elmo Magalona sa akusasyon sa kanya ni Janella Salvador ng diumano'y pisikal na pananakit, nag-iwan ng mensahe ang ina ng aktor na si Pia Magalona sa isang netizen.

Noong nakaraang linggo, isang tagasuporta ni Elmo ang nag-tweet kay Pia at sinabing nag-aalala siya para sa kapakanan ng aktor ngayong nababatikos ito dahil sa akusasyon ng dating ka-love team at rumored girlfriend na si Janella.

Tweet ng netizen: “Tita how is Moe? I am terribly worried about him with these interviews, bashing, articles...I know he is the victim, not the instigator. Tell him I love him to see him destroyed like this? Thanks Tita..Tia Rose”

Maikling sagot ni Pia, na tumatayo ring talent manager ni Elmo: “Thanks Tita Rose. Don’t worry... [three heart emojis].”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero maliban dito, wala nang iba pang tweet si Pia tungkol kay Elmo habang isinusulat ang balitang ito.

Nananatiling aktibo si Pia sa kanyang Twitter at Instagram accounts, pero maliban sa pagsagot niya sa isang netizen, wala na siyang iba pang komento o tweet hinggil sa isyung kinasasangkutan ni Elmo.

Samantala, sa kanyang latest Instagram post nitong Lunes, October 29, magkakahalo ang reaksiyon ng mga netizen.

May nag-uudyok kay Pia na hayaang magsalita si Elmo hinggil sa akusasyon, samantalang ang ibang fans naman ay nagpahayag ng kanilang suporta sa binata.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓

Nananatiling tahimik naman si Elmo sa kanyang social media accounts.

Ang huling post niya sa Twitter at Instagram ay noon pang October 10.

October 24, Miyerkules, nang lumabas ang panayam ng batikang entertainment writer na si Ricky Lo kay Janella, na inakusahan si Elmo ng pananakit sa dalawang pagkakataon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Magalona tweets a fan of Elmo Magalona and tells her not to worry. Meanwhile, Elmo remains mum on issue that he allegedly hurt Janella Salvador. Elmo is also quiet in his social media accounts.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results