Cesar Montano's photos with current partner go viral

IMAGE Courtesy: Ronald Adamat on Facebook

Actor Cesar Montano spotted at the baptism and first birthday celebration of youngest daughter.


Lumabas ngayon sa social media ang larawan ng aktor na si Cesar Montano kung saan may karga itong batang babae.

Kasama ni Cesar at ng bata sa larawan ang ilan pang mga katao, kabilang na ang entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal.

Kialalang matalik na kaibigan ng aktor ang anak ng yumaong showbiz talk show host na si Inday Badiday.

Base sa tarpaulin na nakasabit sa likuran, kuha ang larawan sa birthday celebration ng bata.

 IMAGE from Ronald Adamat's Facebook

Ang nag-post ng larawang ito sa Facebook ay si Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Dr. Ronald Adamat.

Base sa caption ni Dr. Adamat sa larawan, kinuha siyang ninong ni Cesar sa binyag ng anak nitong babae na nataon ding selebrasyon ng unang kaarawan ng bata.

Bahagi ng kanyang Facebook post noong Linggo, October 28, “ATM: It’s an honor and privilege.

"Cesar Montano and I are now kompare.

"Was invited by him to stand as ninong to his youngest daughter [pangalan ng bata].”

May iba pang mga larawang ipinost si Dr. Adamat sa kanyang Facebook account kung saan kasama ang aktor.

Ang katanungan ng marami ay kung sino ang ina ng anak ni Cesar na bininyagan.

Ilang linggo na ang nakararaan ay nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng screen shot ng Instagram posts ni Dolly Anne.

Kuha ito sa birthday surprise naman ni Cesar para kay Dolly Anne.

Caption ni Dolly Anne sa mga larawan: "Thanks from the bottom of my full heart to BFF"

Ang tinutukoy niyang "BFF" ay si Cesar.

Kapansin-pansin na sa mga larawan ng binyag at sa mga larawang ipinost ni Dolly Anne ay kasama ni Cesar ang isang magandang babae.

 IMAGE Courtesy: Ronald Adamat on Facebook

Base sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa iba't ibang sources, ang babaeng kasama ni Cesar sa mga larawang ito ay ang kinakasama niya ngayong si Socorro "Kath" Angeles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa PEP.ph sources, tatlo na ang anak nina Cesar at Kath; at bunso nila ang bininyagan at nagdiwang ng unang kaarawan.

Bukod sa mga anak ni Cesar kay Kath, may tatlong anak din na babae ang aktor sa ex-wife nitong si Sunshine Cruz.

Dalawa naman ang naging anak niya sa kanyang yumaong unang asawa; ngunit namatay na ang isa rito.

May anak din si Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga, ang Kapamilya actor na si Diego Loyzaga.

Bali-balita ring may isang anak na lalaki ang aktor sa isang dating beauty queen.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN