Vilma Santos, Richard Gomez, Bong Revilla, other stars who filed COCs for 2019 mid-term elections

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza (Vilma Santos)

More than 40 celebs submitted their certificate of candidacy for the 2019 elections. Some of them are: (L-R) Richard Yap, who will run as Representative of North District, Cebu City; Lucy Torres-Gomez, aiming for a second term as Representative of Leyte's 4th District; Richard Gomez, eyeing for another term as Mayor of Ormoc City; Vilma Santos, a re-electionist as Representative of Batangas's 6th District; and Sheryl Cruz, who will run for councilor in Manila.


Pitong buwan bago ang 2019 mid-term elections, higit sa 40 celebrities at personalities ang nagsumite ng kanilang certificate of candidacy (COC).

Naganap ang filing of COCs sa iba't ibang lugar sa bansa mula October 11 hanggang October 17.

Ang susunod na halalan ay gaganapin naman sa May 13, 2019.

Magsisimula ang campaign period para sa mga tumatakbong senador at party-list groups sa February 12 at magtatapos sa May 11 sa susunod na taon.

Samantala, ang kampanya ng mga kandidato para sa pagka-kongresista at iba pang local positions ay mula March 29 hanggang May 11.

Narito ang listahan ng mga celebrity na tatakbo sa 2019 mid-term elections:

FOR SENATOR

Grace Poe. Nanguna si Grace Poe, 50, sa senatorial race noong 2013. Tumakbo siya sa pagka-Pangulo noong 2016 elections subalit hindi siya pinalad. Nagsilbi siyang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula 2010 hanggang 2012. Siya ay anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at ng movie queen na si Susan Roces.

 IMAGE Instagram

Jinggoy Estrada. Muling tatakbong senador ang 55-year-old actor-politician sa kabila ng kinahaharap na kaso hinggil sa pork-barrel scam. Tatlong taong na-detain si Jinggoy dahil sa plunder at graft charges, subalit nakapagpiyansa siya noong December 2017. Bago naging senador, naging mayor (1992-2001) at vice mayor (1988-1992) siya ng San Juan.

Bong Revilla. Sa pamamagitan ng kanyang asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado, isinumite ni Bong ang kanyang COC sa Intramuros, Maynila, noong October 17. Apat na taon nang naka-detain sa Camp Crame si Bong, 52, dahil sa kinakaharap na kaso kaugnay ng pork barrel scam. Nanalong senador si Bong noong 2004 at 2010. Bago siya naging senador, nanungkulan siya bilang governor (1998-2001) at vice governor (1995-1998) ng lalawigan ng Cavite.

 IMAGE Instagram

Lito Lapid. Aktibo ngayon sa showbiz si Lito, 63, dahil gabi-gabi siyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN. Dati nang nagsilbi bilang senador ang former action star—noong 2004-2010 at 2010-2016. Bago ito, nanilbihan siya sa lalawigan ng Pampanga bilang governor (1995-2004) at vice governor (1992-1995).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Freddie Aguilar. Tatakbo ring senador ang OPM icon na si Ka Freddie. Kilalang supporter ang 65-year-old singer ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban na siya ring partido ng Pangulo.

Jiggy Manicad. Umaasa ring mabigyan ng puwesto sa Senado ang dating GMA-7 news anchor. Tatakbo si Jiggy, 43, sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago, na pinangungunahan ni Sara Duterte, anak ni Pangulong Duterte at re-electionist bilang mayor ng Davao City.

Dr. Willie Ong. Dahil sa kanyang 10 million followers si Facebook, umaasa ang 54-year-old celebrity doctor na manalo bilang senador. Nakilala si Willie dahil sa kanyang videos sa social media tungkol sa kalusugan.

FOR HOUSE OF REPRESENTATIVES

Vilma Santos-Recto. Tatangkain ng Star for All Seasons na muling makaupo bilang kongresista ng 6th District ng Lipa City, Batangas, para sa kanyang ikalawang termino. Bago maging kongresista ay nanilbihan si Vilma, 65, bilang mayor ng Lipa City ng tatlong termino (1998-2007) at naging governor ng Batangas sa loob din ng tatlong termino (2007-2016). Si Vilma ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Lipa City, governor ng Batangas, at representative ng Lipa.

 IMAGE Rommel Llanes

Lucy Torres-Gomez. Umaasa ang 43-anyos na maybahay ni Richard Gomez na muli siyang iboboto ng mga taga-Leyte para sa kanyang ikalawang termino bilang kongresista ng Fourth District.

Edu Manzano. Nagsumite para sa pagka-kongresista ng San Juan City ang FPJ’s Ang Probinsyano star. Nagsilbi siyang vice mayor ng Makati City noong 1998. Noong 2010 ay tumakbo ang 63-year-old actor bilang vice president at running mate ni Gilbert Teodoro subalit natalo. Noong 2016 naman ay tumakbo siya bilang senador, ngunit hindi rin pinalad manalo.

Richard Yap. Susubukan ng 51-year-old actor-businessman na pasukin ang pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang congressman ng North District sa Cebu City.

Alfred Vargas. Re-electionist si Alfred, 39, bilang kongresista ng Fifth District ng Quezon City. Bago ito, nanilbihan siya bilang konsehal sa Second District ng Quezon City mula 2010 hanggang 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Photo from Instagram

Dan Fernandez. Nagsumite rin ng COC ang 52-year-old actor para maging kongresista ng First District ng Laguna, na dati niyang puwesto mula 2007 hanggang 2016. Sa kasalukuyan, si Dan ang mayor ng Sta. Rosa, Laguna.

Rommel Padilla. Susubukan din ng 53-anyos na aktor ang kanyang kapalaran sa pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang congressman ng First District ng Nueva Ecija. Si Rommel ay kapatid ni Robin Padilla at ama ni Daniel Padilla.

 IMAGE Instagram @linaalagao

Yul Servo. Hangad naman ng 38-year-old actor na makuha ang pangalawang termino bilang congressman ng Third District ng Maynila. Bago ito, nanungkulan siya bilang konsehal ng Third District ng Manila sa loob ng siyam na taon.

Long Mejia. Nagsumite ng COC ang ABS-CBN comedian para sa pagka-kongresista sa First District ng Camarines Sur. Siya ay tubong-Bulacan, subalit handa raw manilbihan sa CamSur, ang probinsiya ng kanyang asawa.

Camille Villar. Susubukan ng dating Wowowee co-host na makuha ang puwesto bilang representative ng Las Pinas. Si Camille, 33, ang nag-iisang anak na babae ni Senator Cynthia Villar at businessman na si Manny Villar, na dati ring naging senador.

Sol Aragones. Umaasa ang dating ABS-CBN news reporter na si Sol Aragones na mahalal bilang congresswoman ng Third District ng Laguna sa ikatlong pagkakataon.

FOR PARTY-LIST REPRESENTATIVE

Mocha Uson. Nagsumite ng certificate of nomination ang kontrobersiyal na blogger at dating communications assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office bilang nominee ng Kasosyo Party List. Si Mocha, 36, ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ciara Sotto. Sasabak na rin sa pulitika si Ciara Sotto, bunsong anak nina Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa. Siya ang second nominee ng Luntiang Pilipinas Party.

 IMAGE Instagram

FOR VICE GOVERNOR

Jolo Revilla. Naghain ng COC ang 30-anyos na aktor para sa kanyang ikatlong termino bilang vice governor ng Cavite. Si Jolo ang pinakabatang nahalal na vice governor sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya ay 25 lamang nang manalo noong 2013. Ang ama niyang si Bong Revilla ay dati ring nanungkulan bilang vice governor ng nasabing lalawigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Imelda Papin. Muling tatakbo ang 62-year-old Jukebox Queen bilang bise gobernador ng Camarines Sur, na dati niyang puwesto mula 1998 hanggang 2004. Apat na beses na siyang nabigo sa eleksyon: noong 1995, bilang governor ng CamSur; noong 2004, bilang congresswoman ng Fourth District ng CamSur; noong 2010, bilang senador; at 2013, bilang congresswoman ng San Jose del Monte City, Bulacan.

 IMAGE Twitter

FOR MAYOR

Joseph Estrada. Tatangkain ng 81-year-old former actor ang masungkit ang ikatlo at huling termino bilang mayor ng Maynila. Bago naging alkalde ng kabisera ng Pilipinas, si Erap ay naging mayor ng San Juan City sa loob ng 37 taon (mula 1969 hanggang 1986). Naging senador naman siya mula 1987 hanggang 1992. Nahalal siyang vice president noong 1992. Nang matapos ang termino niya noong 1998, tumakbo at nanalo siyang presidente ng Pilipinas. Ngunit hindi niya natapos ang kanyang termino dahil noong 2001 ay pinatalsik siya sa puwesto sa makasaysayang EDSA People Power 2. Noong 2010 naman ay muli siyang tumakbo bilang presidente ngunit natalo siya.

Richard Gomez. Umaasa ang 52-year-old actor na muling mahalal bilang mayor ng Ormoc City, Leyte para sa pangalawang termino. Noong 2001 nagsimula ang pagsabak ni Richard sa pulitika nang maging nominee siya ng Mamamayan Ayaw sa Droga (MAD) Partylist. Bagamat nanalo ang kanilang partido ay diniskwalipika sila dahil sa "failure to present proof of sectoral representation." Noong 2007 ay tumakbo siyang senador bilang independent candidate ngunit natalo. Noong 2010 naman ay tumakbo si Richard bilang congressman ng Fourth District ng Leyte, ngunit nadiskwalipika siya dahil sa residency issue. Pinalitan siya ng kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez na pinalad namang manalo. Noong 2013 ang unang beses na tumakbo siya bilang mayor ngunit natalo siya.

 IMAGE Twitter

Lani Mercado. Nagsumite ng COC ang 50-anyos na actress-politician para sa second term niya bilang mayor ng Bacoor. Bago ito, nagsilbing kongresista si Lani sa Second District ng Cavite noong 2010-2016.

Isko Moreno. Tatangkain naman ng kasalukuyang vice mayor ng Manila na maupo bilang alkade ng lungsod. Si Isko, 44, ay nanungkulan bilang konsehal ng First District ng Maynila mula 1998 hanggang 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Instagram

Mark Lapid. Susubukan ng FPJ’s Ang Probinsyano actor na bumalik sa larangan ng pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang alkalde ng Porac, Pampanga. Si Mark, 38, ay naging gobernador ng Pampanga noong 2004 hanggang 2007.

FOR VICE MAYOR

Gary Estrada. Muli ring susubukan ng 47-anyos na aktor ang kanyang kapalaran sa pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang vice mayor ng Cainta, Rizal. Noong 2016 ay tumakbo si Gary bilang vice governor ng Quezon Province pero hindi siya pinalad. Kasalukuyan siyang board member ng 2nd District ng naturang lalawigan.

Roderick Paulate. Nasa ikatlong termino na ang 58-year-old actor bilang councilor ng Second District ng Quezon City. Sa susunod na eleksyon, tatakbo naman siya bilang vice mayor ng lungsod.

 IMAGE Instagram

Andrea del Rosario. Tatangkain ng 40-anyos na aktres na makuha ang kanyang second term bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas. Unang tumakbo at nanalo si Andrea sa naturang posisyon noong 2016 elections.

Jeremy Marquez. Muling susubukan ni Jeremy, 39, na mahalal bilang vice mayor ng Parañaque. Una siyang tumakbo sa parehong posisyon noong 2016 subalit natalo siya. Bago ito, nanungkulan siya bilang konsehal ng lungsod at barangay captain ng BF Homes.

Monsour del Rosario. Sa unang pagkakataon ay tatakbo si Monsour, 53, bilang vice mayor ng Makati City. Sa kasalukuyan, ang dating action star ang congressman ng First District ng Makati. Bago ito ay naging konsehal din siya.

 IMAGE Instagram

Sebastian “Baste” Duterte. Nagsumite rin ng COC si Baste para sa pagka-vice mayor ng Davao City, kung saan incumbent mayor ang kanyang ate na si Sara Duterte. Si Baste, 30, ang bunsong anak na lalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte.

FOR BOARD MEMBER

Alex Castro. Tatakbo bilang board member ng Fourth District ng Bulacan si Alex. Dati siyang naging Sangguniang Kabataan president at konsehal ng Marilao, Bulacan.

 IMAGE Instagram

FOR COUNCILOR

Jhong Hilario. Tatakbo ang 42-year-old It’s Showtime host at former Streetboys dancer para sa kanyang ikalawang termino bilang konsehal ng First District ng Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sheryl Cruz. Unang pagsabak ng 44-year-old actress ang kanyang kandidatura bilang konsehal ng Second District ng Manila.

Jomari Yllana. Muling tatakbo si Jomari, 42, bilang konsehal ng Parañaque City.

 IMAGE Instagram

Dominic Ochoa. Nagsumite rin ng kanyang COC para sa pagkakonsehal ng Parañaque ang 44-year-old actor, na na kasalukuyang napapanood sa ABS-CBN primetime series na Ngayon at Kailanman.

Rochelle Barrameda. Tatangkain din ng beauty queen-turned-politician na maging konsehal ng Parañaque sa 2019 mid-term elections.

Vandolph. Sa Parañaque rin tatakbong konsehal ang 34-year-old son ng yumaong Comedy King a si Dolphy.

Hero Bautista. Re-electionist naman para sa pagkakonsehal ng Fourth District ng Quezon City si Hero, 46. Naging kontrobersiyal ang actor-turned-politician nang pumasok siya sa rehab noong 2016 dahil sa ipinagbabawal na gamot. Pagkatapos ng isang taon, nakalabas siya ng rehab at ipinagpatuloy ang pagiging konsehal.

 IMAGE Facebook

Jan Marini. Sasabak na rin sa pulitika ang dating ABS-CBN actress na si Jan Marini, 40. Tatangkain niyang maging councilor sa Fourth District ng Quezon City.

Charee Pineda. Tumatakbo ang 28-year-old actress para sa kanyang ikatlong termino bilang konsehal ng Valenzuela City.

Jaycee Parker. Nagsumite rin ng kanyang COC ang former Viva Hot Babes member para maging konsehal sa Angeles, Pampanga.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN