PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang Probinsyano stars Janno Gibbs, Angeline Quinto pay homage to Rico J. Puno

Janno Gibbs to his 'tatay' Rico J. Puno: "Paalam Idol Rico J. Puno! Ikaw ang orig na King of Soul!"
by Arniel C. Serato
Published Nov 1, 2018 | Updated Oct 31, 2018
Kabilang sa nagpaabot ng mensahe sa pagkamatay ng OPM legend na si Rico J. Puno ay ang kanyang mga "anak" sa FPJ's Ang Probinsyano na sina Janno Gibbs at Angeline Quinto.

Bukod sa pagiging magaling na mang-aawit at concert performer, isa ring aktor at komedyante si Rico J. Puno.

Isa sa mga programang kinabilangan niya ay ang FPJ’s Ang Probinsyano, ang long-running primetime series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ginampanan niya rito ang papel ng isang dating rebelde na tinalikuran ang pamumundok upang mamuhay sa siyudad kasama ang pamilya.

Ang award-winning actress na si Irma Adlawan ang gumanap na kanyang asawa.

Ang kapwa niya singers na sina Janno Gibbs at Angeline Quinto naman ang gumanap bilang kanilang mga anak.

Kahit alam ng publiko na may karamdaman sa puso ang singer, ikinabigla pa rin ng marami ang pagpanaw ni Rico dahil sa cardiac arrest kahapon, Oktubre 30.

Ang dalawa sa labis na nagluksa sa kanyang pagkamatay ay ang kanyang mga “anak” sa Ang Probinsyano na sina Janno at Angeline.

Ayon kay Janno, karangalan niyang naging tatay si Rico sa teleserye at makagawa ng bersiyon ng mga pinasikat nitong kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Janno sa kanyang post sa Instagram: “Paalam Idol Rico J. Puno! Ikaw ang orig na King of Soul!

“Karangalan kong magawan ng sariling bersyon ang 'Magkasuyo Buong Gabi,' 'Kartada Diyes,' at 'You and I (Together Forever).'

“Masaya ako at naging Tatay kita sa Ang Probinsyano.

“Mananatili kang buhay sa aming puso sa pamamagitan ng iyong mga awit.

“Respeto.”

Sabi naman ni Angeline sa kanyang Instagram post kahapon, hindi niya makakalimutan ang pagpapatawa ni Rico sa set ng kanilang teleserye.

“Tito Rico, ito po ang huling beses na nakatrabaho ko kayo bilang tatay ko sa Ang Probinsyano.

"Nakakagulat lang po.

“Ang dami niyo pa pong planong concert na gustong gawin dahil yan po ang kinukwento niyo palagi sa amin sa dressing room pag nasa taping noon.

“Maraming-maraming salamat po Tito sa pagpapatawa sa set sa aming lahat, sa lahat ng mga awitin niyo na habang buhay nasa puso namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“We love you Tito Rico. Pahinga na po kayo.#RicoJPuno #KingofOPM #TotalEntertainer."

Si Rico ay pumanaw sa edad na 65.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa nagpaabot ng mensahe sa pagkamatay ng OPM legend na si Rico J. Puno ay ang kanyang mga "anak" sa FPJ's Ang Probinsyano na sina Janno Gibbs at Angeline Quinto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results