Gloria Diaz proud of 21-year relationship with her partner

IMAGE Noel Orsal

Gloria Diaz on staying young and beautiful: "You have to work, kasi boredom will make you ugly, di ba? Oo, you have to work, you have to have stress, you have to have problems, you have to solve it."

 


Lingid sa kaalaman ng marami, 21 years na ang relasyon ng former Miss Universe at veteran actress na si Gloria Diaz sa kanyang partner na si Mike de Jesus, isang banker.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gloria tungkol sa kanyang love life nang makausap namin siya sa presscon noon ng GMA-7 primetime series na Pamilya Roces.

Sabi nga ng 67-year-old actress, “Of course, I have a love life!

“Twenty-one years na kami, di ba?

“With this guy, Mike de Jesus, I’ve been with him… single, never married. Super-bait.

“And he’s young, he’s nine years younger.

“Siyempre, alangan namang kukuha pa ako ng matanda sa akin?”

View this post on Instagram

Hulahooping with ❤️!

A post shared by Gloria Diaz (@its.gloriadiaz) on

Si Mike ang nakarelasyon ni Gloria pagkatapos nilang maghiwalay ng ex-husband niyang si Bong Daza.

Si Bong ang ama ng anak ni Gloria na si Isabelle Daza.

Pumanaw si Bong noong July 14, 2016.

FORMULA FOR STAYING YOUNG

Si Gloria ang kauna-unahang Pinay na naging Miss Universe noong 1969.

Ngayon ay 67 years old na siya, ngunit hindi maipagkakailang na-maintain niya ang kagandahan at pagiging young-looking.

“Work” ang sagot ni Gloria sa tanong kung ano ang sikreto ng ganda at kabataan niya.

Hindi ba't nakaka-stress ang work?

Paglilinaw niya, “No, you have to work, kasi boredom will make you ugly, di ba?

“Oo, you have to work, you have to have stress, you have to have problems, you have to solve it.

“And no utang. Don’t make utang.

“Lagi trabaho, friends, di ba? Make bola all the enemies. Ha! Ha! Ha!"

May kaaway ba siya?

“Wala, wala,” pahabol niya.

FRIENDSHIP WITH ELIZABETH

Sinang-ayunan naman ni Gloria ang sinabi ni Elizabeth Oropesa na inuubos ng dating Miss Universe ang snacks na baon ni Elizabeth sa taping ng kanilang teleserye sa GMA-7, ang Pamilya Roces.

“True! True! Kaya nga tumataba na nga ako, e, marami kasi siyang tsitsiryang laging dala,” ang natatawang sabi ni Gloria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-maintain nina Gloria at Elizabeth ang friendship nilang nagsimula noong gawin nila ang pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

Pagbabalik-tanaw ni Gloria, “My God, that was in 1974!

“No, we’ve done several shows together, but actually the past, maybe few times... Si Chedeng at si Apple [2017 indie movie], then we did Beauty Queen [GMA series in 2010].

“Ayan, so we became closer and closer, kasi hindi naman instant iyan e, hindi ba?

“Friendship is not instant.”

Ngayong magkasama sila ulit sa Pamilya Roces, wala na ba silang adjustment sa pag-arte dahil gamay na gamay na nila ang isa’t isa?

Saad niya, “Hindi naman, every scene naman is different, e.

“Alam mo naman si Joel [Lamangan, direktor ng Pamilya Roces], hindi naman repetitive.

“In fact, the script is so funny, sometimes pag nabasa ko, sasabihin ko, ‘Naku, Dios mio, kaya ko bang gawin 'to?’

“Every day is a challenge, some of the scenes are really challenges, e, di ba? Naiiba, okay siya.”

IN PRAISE OF YOUNGER STARS

Ano ang masasabi ni Gloria sa younger stars ngayon?

Saad niya, “The younger stars will have still a lot to learn, but because of the competition now, they’re fast learners.

“They’re on time, they’re professionals, they memorize what they have to know, they get on the set… hindi na sila nabe-baby, talagang okay na okay na sila.

“They’re all very, talagang…how would you say?

“They’re all very ambitious, and they know what they have to do.

“Unlike during our time before, parang medyo bine-baby kami, 'no?

“Parang the producers go to your house, inaamu-amo ka. Ngayon, hindi na.

“Ngayon, talagang palaban na sila, e, hindi ba?

“Which is good, you know? They know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN