Derek Ramsay hopes for Angelica Pangilinan-Carlo Aquino reconciliation

IMAGE Allan Sancon

Derek Ramsay hopes for a reconciliation between ex-lovers Carlo Aquino and Angelica Panganiban: "They look really, really good together, they are very sweet together. I hope the rumors are true na nagkabalikan sila."


Isa si Derek Ramsay sa mga umaasang magkabalikan ang dating magkasintahang sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Si Derek ang sumunod na naging boyfriend ng aktres matapos silang maghiwalay ni Carlo.

Tumagal ang relasyon nina Angelica at Derek ng halos anim na taon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Derek sa Riding Era Dynasty grand media launch, na ginanap sa grand ballroom ng Solaire Hotel and Casino noong October 28, nagpahayag si Derek ng pagboto kay Carlo para sa dating kasintahan.

Saad niya, “I hope so. I've always said that I hope Angel will find the right guy.

“They used to date each other before.

“Carlo used to come to the house when Angge and I were dating back then, so kilala ko si Carlo.

“It's nice that they've maintained the friendship all these years kahit nung kami na ni Angelica.

“They look really, really good together, they are very sweet together.

“I hope the rumors are true na nagkabalikan sila.”

May komunikasyon pa ba sila ni Angelica?

Sagot ni Derek, “We talk, but not much.

“The last time we spoke, she greeted me for my birthday and she was building her house, so I offered help 'coz I just built my house.

“I offered help if she needs certain contractors or designers, but that was the last time we spoke.

“We haven't spoken since. That was about maybe a year ago.”

Binati rin ng hunk actor sina Angelica at Carlo para sa tagumpay ng pelikula nilang Exes Baggage sa takilya.

“Congratulations to them! They did it really, really well.

“Hindi ko pa napapanood pero I want to see it.

“I heard a lot of great things about the film but hindi ko pa napapanood.”

MOVIE WITH JESSY

Kumpirmado na ang nalalapit na pagpirma ni Derek ng kontrata sa GMA-7, pero bago ito ay abala rin ang aktor sa pelikulang pagtatambalan nila ni Jessy Mendiola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Currently, may ginagawa ako with Jessy.

“It's almost done, may one shooting day na lang kami.

“She's cool, she's really awesome, she's a brilliant actress.

“Hindi halata sa kulay niya na mahilig pala siya sa outdoors, she goes diving a lot with Lucky [Luis Manzano], and I think yung humor ni Lucky rubbed off on Jessy.

“May pagkakomedyante na rin when we were on the set."

Patuloy ni Derek, “May mga love scenes. Nauso ngayon ang action so there's also a lot of action.

“The director is Direk Enzo Williams.

“Mahilig sa action si Direk Enzo. This is definitely lots of action.”

CHARITY WORK AND OTHER PROJECTS

Isa sa kundisyong hiningi ni Derek sa GMA-7 ay tatapusin muna niya ang lahat ng commitments niya ngayong taon bago siya maging isang ganap na Kapuso.

Dahil dito, sa ngayon ay abala siya sa iba't ibang charity work at makubuluhang proyekto na ang layunin ay makatulong sa iba.

Detalye niyang kuwento, “Di ba, sabi ko sa inyo after all the hard work, after all the movies, teleseryes, hindi ko alam kung ano ang next chapter ng buhay ko?

“I've been doing a lot of charity work.

“Last week, I was in Bacolod for Habitat for Humanity.

“We turned over 86 houses to 86 families, but just Phase 1 of many phases.

“Aabot kami ng 500 houses for 500 families."

Sabi pa ni Derek, “I'm taking part in this business which is an organic additive that can help eradicate dengue and malaria, which is a very big problem in our country.

“We want the masa to access it easily, para hindi nila problemahin ang dengue and malaria.

“We're here to spread the word.

“I'm not being paid for this.

“I'm taking part in the business, this is a new venture of my life, maybe new chapter of my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm also with this company based in Singapore which deals with mental health.

“It's also a big problem in our society—children being bullied, children commit suicides, anxiety, depression. Not just kids, but all ages.

“With this app, at least we can detect the early stages so that we can help that specific person going through depression and anxiety.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN