Janella Salvador, Elmo Magalona sing duet in Canada concert

IMAGE Photos from Instagram (Credits to the owner/s)

Janella Salvador and Elmo Magalona perform together in their concert in Calgary, Canada.


Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan nina Janella Salvador, 20, at Elmo Magalona, 24, na magkasamang kumakanta sa stage.

Ito ay nangyari sa first leg ng kanilang concert tour sa Canada na pinamagatang One Magical Night 2018.

Kasama rin sa concert tour ang sikat na Kapamilya love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa Instagram accounts ng fans nina Elmo at Janella—o mas kilala sa tawag na ElNella—ipinost ang mga larawan ng dalawa sa kanilang concert sa Calgary nitong November 2 (Canada time).

Para sa kanilang duet, kinanta nina Elmo at Janella ang "Born For You" ni David Pomeranz.

Ito rin ang titulo ng kanilang primetime series sa ABS-CBN noong 2016.

Sa isang post, makikitang naghawak-kamay sila para alalayan ni Elmo si Janella sa stage.

Sa isang video clip naman, makikitang nagdikit ang dalawa sa pagtatapos ng kanilang duet.

Gayunpaman, mapapansin ding tila may ilangan sa pagitan nina Elmo at Janella.

Ito ang unang pagkakataong nakitang muling nagkasama sa entablado sina Elmo at Janella matapos ang rebelasyon ni Janella tungkol sa pananakit sa kanya ni Elmo.

Sa panayam, sinabi ng ABS-CBN actress-singer na hindi umano isang beses lang nangyari ang pananakit sa kanya ng ka-love team at rumored boyfriend.

Nagdesisyon daw siyang magsalita upang matigil na ang mga kasinungalingang kumakalat sa social media tungkol sa tunay na pangyayari, kagaya ng pagsisi sa kanya ng ibang fans sa hidwaan nila ni Elmo.

Ibinunyag din ni Janella na hindi umano tinupad ni Elmo ang pangakong gagawa ng statement, sa pamamagitan ng video, upang aminin ang ginawa niyang pananakit sa aktres.

Samantala, hindi pa rin nagsasalita ang panig ni Elmo hinggil sa mga akusasyon sa kanya ni Janella.

Gayunpaman, kamakailan ay nag-tweet si Pia Magalona, ina ni Elmo, upang paalalahanan ang fans ni Elmo na huwag mag-alala sa kalagayan ng anak.

Bukod sa Calgary, ang iba pang leg ng concert nina Elmo at Janella ay sa Vancouver (November 4) at Toronto (November 10).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Advanced ng 12 hanggang 15 oras ang Pilipinas sa ilang bahagi ng Canada, kagaya ng Calgary, Toronto, at Vancouver.


Stories We Are Tracking

Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo
Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo
Elmo Magalona still mum about Janella Salvador's accusations
Elmo Magalona still mum about Janella Salvador's accusations
Pia Magalona to Elmo's fans:
Pia Magalona to Elmo's fans: "Don't worry."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN