Derek Ramsay debunks wedding rumors with Joanne Villablanca

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Derek Ramsay on wedding plans with girlfriend Joanne Villablanca: "In the next three years pa, two to three years definitely. I want a small, intimate one."


Nilinaw ni Derek Ramsay ang balitang nagpakasal na sila diumano ng kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca.

May mga kumalat kasing videos at photos kunsaan nakasuot sila ng pangkasal.

"Bakit, saan naman lumabas na nagpakasal ako?" natatawang sabi ni Derek sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag ng aktor ang mga kumalat nilang larawan ni Joanne na nakadamit-pangkasal.

“Sa pelikula nagpakasal ako. Nag-cameo kami ni Jo sa pelikula ni Echo at ni Jessy.

“Kaya kumalat, kasi yung mga role namin dun ay nagpakasal, so practice pa lang yun."

Ang tinutukoy na pelikula ni Derek ay ang The Girl In the Orange Dress, entry sa 2018 Metro Manila Film Festival at pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales

Ayon pa kay Derek, “Yes, it looked real.

"Sobrang nag-enjoy nga kami kasi I'd like seeing her uncomfortable and she's so uncomfortable.

“Talagang naninigas siya, 'Paano ito kung iba ang katrabaho mo, para ka nang bangkay?'

“But she seemed to enjoy it.

“Now she's shooting a commercial and I can't say for what.

"Malay mo, siya na lang mag-artista, ako sa bahay.”

Derek Ramsay and Joanne Villablanca
 IMAGE Courtesy of Atty. Joji Alonso Facebook account

Ayon kay Derek, matagal na nilang napag-uusapan ni Joanne ang kasal.

Isang simple at intimate wedding lang daw ang gusto niya kung saka-sakali.

Aniya, “More than before, yes.

“But definitely, in the next three years pa, two to three years definitely.

“I want a small, intimate one.

“I really want an intimate ceremony na matututukan ko lahat ng taong nandun to experience and witness.

“I just don't want to say hi and hello.

“I want it to be really intimate. Not something really, really big.”

TAKING CARE OF SON AUSTIN

Kinumusta rin namin kay Derek si Austin, ang anak niya sa dating asawang si Mary Christine Jolly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa kuwento ng aktor, nasa poder na pala niya ngayon ang 15-anyos na anak.

Kuwento niya, “He's been living with me now for five months.

“I took him to school, enrolled him in Brent, he's doing well.

“He just had basketball tryouts.

“Unfortunately, hindi siya nakapasok sa tryout and he's really sad about that.

“But I told him, 'Michael Jordan didn't make it on his first tryout, I didn't make on my first tryout in high school, so it's how you bounce back.'

“It lifted up his spirit, but he's really down 'coz he didn't make it in the basketball team.

“But he'll bounce back. I'm sure he's gonna bounce back.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN