Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali, Indonesia?

IMAGE Instagram

Separate photos of Maine Mendoza and Arjo Atayde in Bali, Indonesia are now circulating online. But netizens speculate that the two stars are vacationing together.


Magkasama bang nagbakasyon sa Bali, Indonesia sina Maine Mendoza at Arjo Atayde?

Ito ang tanong ngayon ng netizens matapos ma-upload ang mga larawan ng dalawa sa social media.

Isang netizen ang nag-post ng mga larawan nina Maine at Arjo na nag-i-insinuate na magkasama ang dalawa sa isang resort sa Bali.

Bagamat hindi magkasama ang dalawa sa anumang larawan, pinag-ugnay-ugnay ng netizens ang mga nakalap na larawan at videos mula sa social media.

Ang ilan sa mga larawan at videos na nakalap ay galing mismo sa social media posts ng mga kasamahan nina Arjo at Maine sa Bali.

Sa isang post, makikita si Maine na nakaupo sa isang tila malaking bird's nest.

Nakasuot ang Eat Bulaga! host ng makulay na striped sleeveless top at blue pants.

Sa video namang ipinost ng pinsan ni Arjo na si Gab Atayde, mapapanood na kasama niya ang aktres na si Ria Atayde at aktres na si Alex Godinez.

Si Ria ay nakababatang kapatid ni Arjo. Si Alex naman ay pamangkin ng Concert King na si Martin Nievera.

Sa video ni Gab, kung saan naka-focus si Alex, sa background ay mapapansin ang isang babaeng pareho ang suot ni Maine na kuha sa malaking bird’s nest.

Ang naturang lugar sa Bali na may malaking bird’s nest ay ang Uma Pakel Bali Swing, sa Tegallalang, Bali, Indonesia.

Nag-post naman ng video at photos si Alex sa Instagram Story kung saan makikita sina Gab at Arjo.

Nag-post din si Alex ng larawan ni Gab na nakaupo rin sa malaking bird’s nest, indikasyon na posibleng nasa parehong lugar sila kung nasaan din si Maine.

Bago ito, lumabas ang paparazzi photos nina Maine at Arjo na magkasama sa isang restaurant sa Makati City at sa isang isang bar sa Bonifacio Global City, Taguig.

Nagkakilala at naging malapit sa isa't isa ang Kapuso star at Kapamilya actor habang ginagawa ang pelikulang Jack Em Poy: The Puliscredibles, na entry sa Metro Manila Film Festival 2018 at pinagbibidahan din nina Vic Sotto at Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN