Carlo Aquino posts PDA photo with Angelica Panganiban in Japan

IMAGE @jose_liwanag

Buong-pagmamalaking ipinakita ni Carlo Aquino ang sweet photo nila ni Angelica Panganiban na kuha sa Japan. Parehong nakatanggal ang maskara nila na hango mula sa Netflix series na La Casa de Papel o Money Heist.


Hanggang sa Japan ay lantaran ang kilig at public display of affection sa pagitan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino—o mas kilala sa tambalan nilang CarGel.

Sa Instagram post ni Carlo kagabi, November 5, ipinakita ni Carlo ang litrato kung saan magkayakap sila ni Angelica sa train station sa Tokyo.

Makikitang nakasuot sila ng Halloween costume na hango sa La Casa de Papel o Money Heist, isang Netflix series tungkol sa grupo ng bank robbers.

Kabilang sa grupo ang isang couple na kilala bilang Denver at Monica, na tila pinaggayahan ng CarGel. 

Simpleng caption ni Carlo sa litrato nila ni Angelica: "Sweet company."

View this post on Instagram

Sweet company

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

Sa pamamagitan ng post ni Carlo ay nakumpirmang siya ang kahalikan ni Angelica sa video na ibinahagi ng huli noong October 31.

Pareho kasing nakamaskara ang dalawa sa kanilang fake kissing video, kaya naghanap pa ang netizens ng ebidensiya na sila Angelica at Carlo nga iyon. 

View this post on Instagram

Happy Halloween

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

CARLO'S BIRTHDAY GIFT TO ANGELICA

Sa mismong kaarawan ni Angelica noong November 4, nag-post si Carlo ng cut-to-cut video ng mga litrato nila ni Angelica, na kuha sa teamLab planet, isang digital art museum sa Tokyo. 

View this post on Instagram

Bigyang kulay ang buhay #Meow

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

Hindi rin pinalampas ni Carlo ang pagkakataong pasayahin si Angelica sa pamamagitan ng paandar na regalo ng binata.

Isa-isa kasing binuksan ni Angelica ang regalong natanggap mula sa mga kaibigang kasama niyang nag-travel sa Japan.

Nang mabuksan ni Angelica ang regalong mula kay Carlo, natawa ang aktres pagkakitang isang bag na may letrang "x" ang ibinigay ng kanyang ex-boyfriend.

Tila tanda ito ng pinagsamahan nilang pelikulang Exes Baggage at pati na rin ng kanilang history bilang mag-ex sa totoong buhay.

Base ito sa Instagram Story ng kanilang common friend na si Noel Oscondo, boyfriend ng direktor na si Andoy Ranay.

Tila ipinahiwatig naman ni Direk Andoy na boto siya sa posibilidad na manumbalik ang pagtitinginan sa pagitan nina Carlo at Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hiwalay na Instagram post ni Direk Andoy, kasama nito sa larawan ang ex-couple.

Kalakip nito ang birthday greeting at wish ni Direk Andoy na sana ay mahanap na ni Angelica ang lalaking tunay na magmamahal sa Kapamilya actress.

Tuluyan nga kayang magkabalikan sina Angelica at Carlo?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN