Liza Soberano, Enrique Gil mourn loss of Forevermore co-star "Bangky"

IMAGE Courtesy: @lisasoberano / @enriquegil on Instagram

Liza Soberano and Enrique Gil take to Twitter to express their grief over the death of character actor Nonong "Bangkay" de Andres, who they had the chance to work with in Forevermore.


Labis na ikinalulungkot nina Liza Soberano at Enrique Gil ang pagpanaw ni Nonong de Andres o mas kilala bilang Bangkay sa showbiz.

Nakasama nina Liza at Enrique si Bangkay sa dating primetime series ng ABS-CBN na Forevermore (2014-2015).

Sumikat ang karakter dito ng veteran actor bilang "Bangky."

Ngayong Martes ng umaga, November 6, natagpuang patay si Bangkay sa cottage ng isang beach resort sa Plaridel, Quezon.


Stories We Are Tracking

Nonong
Nonong "Bangkay" de Andres dies at 71

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinahayag ni Liza ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ni "Bangky."

Mensahe ng Kapamilya actress, “Tito Bangky. I wish I could’ve hugged you one last time.

“May you rest in peace. I love you! We all love you!”

Si Enrique naman ay nanghihinayang dahil nawalan na naman daw ang local showbiz ng isang bituin.

Mensahe niya sa kanyang Instagram post, “Paalam Tito Bangks, we lost good one today. Goodbye kiss from Xander.”

View this post on Instagram

Paalam tito bangks we lost good one today????goodbye kiss from xander ????

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17) on

Bukod sa Forevermore, nakasama rin nina Liza at Enrique si Bangkay sa primetime series na Bagani ngayong 2018.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN