PEP CONFESSIONS: JM de Guzman opens up about personal struggles inside rehab center

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman talks about hitting rock bottom and then discovering God in the last rehab center, where he stayed three years to treat his drug relapse.


Pakiramdam ni JM de Guzman, 30, ay nagsisimula siyang muli sa showbiz.

Nabigyan siya ng bagong pagkakataon sa industriyang tumanggap sa kaniya muli, sa kabila ng pagkakadapa nang dalawang beses.

“Masaya po ako ngayon sa nahanap kong confidence sa sarili ko, since raw,” paliwanag ng aktor, na ang ibig sabihi'y nagkaroon ito ng tunay na kumpiyansa sa sarili.

Sinabi ito ng kinikilalang mahusay na aktor sa media conference ng kanyang pelikulang Kung Paano Siya Nawala noong October 31.

“Hindi po siya nanggagaling sa substance o katulad dati [kapag] may mga ganitong ganap o event, I need something to hype me up or ma-boost yung confidence ko.

“And now, it’s raw.

“Ngayon ko lang nae-experience ang ganitong feeling na kinakabahan ka sa simula.

"'Tapos sa huli, parang matutuwa ka na. 'Tapos, parang sa huli, parang ang sarap na.” 

Ang tinutukoy na substance ni JM ay ang illegal drugs.

Dalawang beses pumasok sa rehab ang aktor dahil sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.

 IMAGE Noel Orsal

FAMILY BACKGROUND

Isinilang si JM, o Juan Miguel Gob de Guzman, noong September 9, 1988. 

Anak siya nina Ronniel de Guzman, 54, desk man sa broadsheet na Manila Bulletin, at Han Carteciano Gob, 48, isang housewife. Ang lolo ni JM, si Cornelio de Guzman, ay dating editor sa Manila Bulletin din.

Panganay si JM sa apat na magkakapatid na lalaki. Sinundan siya nina Paolo Gabriel, 29; Joshua Raphael, 22; at Matthew Angelo, 21.

Mayroon siyang half-sister sa ama—si Ma. Anne Therese Blanche, 38.

Kumuha si JM ng Certificate of Theatre Arts, majoring in Performance Studies, sa University of the Philippines Diliman noong 2005.

Napabilang siya sa Dulaang UP na naging training ground niya pagdating sa pag-arte.

Tatlong taon siya sa kolehiyo ngunit hindi nakapagtapos.

SHOWBIZ BACKGROUND

Sa edad na 12, sumabak sa showbiz si JM sa pamamagitan ng youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV 2 (2000-2001), kung saan nakasama niya sina Shaina Magdayao at Denise Laurel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabigyan siya ng malaking break sa showbiz nang i-remake ang Kapamilya teleserye na Mula Sa Puso noong 2011, kasama sina Lauren Young at Enrique Gil.

Ang orihinal na Mula Sa Puso ay umere noong 1997 hanggang 1999, at pinagbidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, at ang yumaong actor na si Rico Yan.

Ginampanan ni JM ang role ni Gabriel, na unang ginampanan ni Rico sa orihinal na serye.

Ngunit ang nag-establish kay JM bilang isang dramatic actor ay ang karakter niyang si Angelito, sa afternoon teleseryeng Angelito: Batang Ama (2011-2012).

Dahil sa tagumpay ng teleserye, nagkaroon pa ito ng sequel, ang Angelito: Ang Bagong Yugto (2012).

Ito rin ang panahon nang unang malulong sa ipinagbabawal na gamot si JM.

DAILY BATTLE

Unang beses na sumailalim sa drug rehab si JM noong 2012.

Hindi niya ito tinapos dahil inisip ng aktor na magaling na siya matapos ng ilang buwan. 

Bumalik siya sa showbiz, at nabigyan ng magagandang proyekto sa pelikula at telebisyon.

Subalit bumalik sa paggamit ng droga si JM at nagkaroon ng relapse noong 2015.

Sa pangalawang pagkakataon, pumasok siya sa rehabilitation center.

Ito ay sa Self Enhancement For Life Foundation sa Talisay, Batangas.

Tatlong taong namalagi si JM sa nasabing facility.

Noong July 21, 2018, grumadweyt si JM sa SELF Treatment, Rehabilitation & Value Formation Program.

Kahit nagtapos na si JM sa drug rehab program, ipinaliwanag ng aktor na hindi ito garantiyang hindi na siya magkakaroon ng relapse. 

Isa ito sa mga inamin ni JM sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa bloggers' conference ng Kung Paano Siya Nawala, noong Sabado, November 3.

Aniya, maituturing na “daily struggle” ang recovery. Lagi raw mayroong pwedeng maging “trigger” upang bumalik sa bisyo.

Ang kailangan raw ay mag-ingat.

Paliwanag ni JM, “Actually, yung graduation is just parang checkpoint lang para ma-feel namin na [kaming] recovering people, na we’ve achieved something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatulong yun sa amin na, yes, natapos namin yung [program], pero hindi pa dun tapos yung recovery.

“Para lang sa sarili namin yun.

“Hanggang ngayon, connected pa rin ako sa kanila, sa counselor ko, sa mga peers ko.

“Hindi naman kasi titigil yung struggle, e. Baka mag-trigger… yung mga sitwasyon o mga circumstances na magti-trigger, bumalik sa dati or bumagsak ulit.

“So, araw-araw siyang battle.”

 IMAGE Noel Orsal

Pagkatapos ni JM ng rehab program, bumalik siyang muli sa showbiz.

Pero gaano kataas ang kumpiyansa niyang kontrolado na niya ang sarili? Na hindi na maulit ang relapse?

Tugon ng aktor, “Siguro, hindi yun yung mentality na nilalagay ko.

"Ang mentality ko lagi, opposite: I have to stay grounded; I have to be humble; be open sa mga weaknesses ko... not overconfident.

“Kailangan nandun din yung fear, yung fear na dapat layuan [yung vice]…

"I just know how to manage the fear of relapsing or going back dun sa dati kong state.

"So, laging nandun yun. Nagsi-serve siya sa akin na warning na, ‘Uy, ang hirap ng pinagdaanan mo.’”

Sa puntong ito ay bahagyang nag-crack ang boses ni JM, sabay sabing, “Ayoko nang pag-usapan.”

Bakas sa mukha ng binata na naaalala niya ang mga pinagdaanan habang nasa loob ng rehab facility.


Stories We Are Tracking

JM de Guzman graduates from three-year drug rehab program
JM de Guzman graduates from three-year drug rehab program
JM de Guzman: 'Isang mali ko na lang, tapos na yung laro.'
JM de Guzman: 'Isang mali ko na lang, tapos na yung laro.'
JM responds to netizen who condemned his past drug addiction
JM responds to netizen who condemned his past drug addiction
JM de Guzman blames no one but himself for drug relapse
JM de Guzman blames no one but himself for drug relapse

FIRST TIME IN REHAB

May pagkakahalintulad ang dalawang beses na pagpasok sa rehab ni JM.

Habang gumagawa ng teleserye, lumabas ang mga bali-balita tungkol sa pagkakaroon niya ng attitude problem sa taping.

Una ay noong 2012, habang umeere ang Angelito: Ang Bagong Yugto.

Nagsalita tungkol dito si JM noong August 2014, sa interview niya sa The Buzz, ang dating showbiz talk show ng ABS-CBN.

Inamin ni JM ang mga bali-balita tungkol sa problema sa set ng Angelito, kagaya ng madalas siyang late, wala sa sarili, at napa-pack up ang taping dahil sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging iresponsable po ako. Nawala po yung disiplina ko. Lumaki po ang ulo ko. I lost control.”

Sa hiwalay na interview sa episode ng Rated K noong January 21, 2018, ikinuwento ni JM kung paano siya tinanggal sa teleserye.

“Latter part of Angelito, they decided to take me out na, kasi nga medyo nagkakaproblema na ako. Binaril ang character [ko].”

Nalululong daw siya sa paggamit ng droga noong mga panahong iyon.

Pahayag pa ni JM sa Rated K, "Di ko na maiangat ang sarili ko. Paranoia ko, hallucinations ko, di na ako makagalaw nang walang drugs. Iyak ako nang iyak."

Nagdesisyon daw si JM na pumasok sa rehab, na dapat ay tatagal nang 15 buwan.

Pero hindi niya ito tinapos.

Pagkatapos ng 11 buwan, lumabas na siya at nabigyan ng pagkakataong makabalik sa showbiz.


Stories We Are Tracking

JM de Guzman opens up about drug abuse issue
JM de Guzman opens up about drug abuse issue
JM de Guzman admits giving up on showbiz after second rehab
JM de Guzman admits giving up on showbiz after second rehab
JM de Guzman admits rehabilitation is a life-long struggle
JM de Guzman admits rehabilitation is a life-long struggle
JM de Guzman:
JM de Guzman: "I'm recovering, well, and happy."

THE RELAPSE

Mainit ang naging pagtanggap ng publiko kay JM nang ipalabas ang top-grossing movie nila ni Angelica Panganiban na That Thing Called Tadhana noong November 2014.

Entry ang pelikula sa Cinema One Originals Film Festival.

Nagkaroon ito ng commercial release noong February 2015, at pumatok din sa takilya.

Pagdating ng August 2015, nagbida uli si JM sa isang afternoon teleserye ng ABS-CBN, ang All of Me.

Ito naman ang panahong nagkaroon ng relapse si JM.

 IMAGE Noel Orsal

"Hindi ako naging sincere and genuine sa pag-confront ko sa issues ko sa first rehab ko.

"Gusto ko lang lumabas, galit na galit ako. Malungkot na malungkot ako deep inside," kuwento ni JM sa Rated K interview.

Lumabas ang bali-balita sa muling pagkakaroon ng attitude problem ni JM sa taping ng All of Me.

Nagagalit daw ang aktor kapag ginigising pag magti-take ng eksena, naninigaw raw ng miyembro ng staff, at kung minsan ay nagmumura pa.

Sa kabila ng mga ganitong usapin, itinanggi ng kanyang co-stars na problema si JM sa set.

Mas tumindi ang hinala tungkol sa attitude problem ni JM nang ianunsiyo noong September 2015 na papalitan ni Jericho Rosales si JM, sa pelikulang Walang Forever (2015), kung saan katambal si Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Arron Villaflor says series was not cut because of JM
Arron Villaflor says series was not cut because of JM
Albert Martinez feels sad for JM de Guzman
Albert Martinez feels sad for JM de Guzman
<em>Tandem</em> cast, director shocked by stories about JM de Guzman
Tandem cast, director shocked by stories about JM de Guzman
JM de Guzman replaced by Jericho Rosales in<em> Walang Forever</em>
JM de Guzman replaced by Jericho Rosales in Walang Forever

Inako ni JM na hindi nga maganda ang attitude niya sa set ng All of Me, sa panayam niya sa Rated K.

Ani JM, naging mabigat sa loob niyang naulit ang kanyang pagkakamali.

"Di kinaya ng guilt ko… parang niloloko ko lang ang mga taong naniwala sa akin. Kinain ako ng konsensiya ko. So, inamin ko."

Tinanggal sa All of Me si JM kahit hindi iyon ang orihinal na plano.

Pakiramdam ni JM, sinayang niya ang malaking oportunidad na ibinigay sa kanya.

Nabalita rin noong mga panahong iyon ang personal na problema ni JM sa girlfriend na si Jessy Mendiola.

Muling naghiwalay ang magkasintahan.

Ayon sa ulat, unang naghiwalay sina JM at Jessy noong 2013, matapos ang dalawang taong relasyon.

Nagkabalikan sila noong April 2015.

Bandang November, kinumpirma ni Jessy ang paghihiwalay nila ni JM sa ikalawang pagkakataon.

May mga nanisi kay Jessy dahil problema raw sa pag-ibig ang nag-udyok kay JM na bumalik sa dating bisyo.

Ngunit sa isang interview, nilinaw ni JM na walang kinalaman ang breakup nila ni Jessy sa paggamit niya muli ng droga.

Bagkus, ang paggamit daw niya ng droga ang isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Stories We Are Tracking

<p>Jessy hits back at bashers who blame her for JM's issues</

Jessy hits back at bashers who blame her for JM's issues

<p>JM de Guzman and Jessy Mendiola tease each other on Instagram

JM de Guzman and Jessy Mendiola tease each other on Instagram

<p>Jessy breaks silence about second breakup with JM</p>

Jessy breaks silence about second breakup with JM

<p>JM de Guzman's IG post fuels breakup rumors with Jessy Mendio

JM de Guzman's IG post fuels breakup rumors with Jessy Mendio


DIFFERENT WORLD

Ani JM, parang ibang mundo ang mamalagi sa rehab center dahil walang komunikasyon sa labas.

May mga panuntunan sa loob na kailangang sundin ng mga pasyente.

Isa raw itong “controlled environment,” ayon sa aktor.  

Sabi ni JM sa PEP.ph, “Walang newspaper, walang anything that will remind you of the outside.

“And hindi rin kayo puwedeng mag-usap tungkol sa labas.

“Hindi kayo puwedeng mag-usap tungkol sa triggering stuff.

“Laging bantay-sarado, laging may nag-iikot… lagi. So, iba.

“Parang it’s a controlled environment.

“May certain way kami ng pamumuhay.

“Isa siyang community na may mga responsibilidad kami sa loob, may mga trabaho kami dun, ganun.

“It’s a different world.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

CONFRONTING HIS DEMONS

Sa loob ng rehab center, ani JM, tini-train ang mga pasyente na harapin ang kanilang emosyon, gaya ng matinding kalungkutan.

Kailangan nilang magpakita ng katatagan ng disposisyon, na kaya nilang harapin ang kanilang sitwasyon.

Isa ito sa mga goal ng program.

Hindi ito naging madali, base sa karanasan ni JM.

Saad niya sa PEP.ph, “Ang pinaka-challenge dun kasi wala yung bagay na pinampa-patch up mo.

“Usually, pag meron kang problema o nalulungkot ka, e, like dito sa labas, you can easily watch TV or occasionally uminom ka kasama ang mga kaibigan mo nang konti. Yung mga iyon.

“Makipagkuwentuhan ka, mag-text ka, mag-social media ka, manood ka ng YouTube.

“Andaming ways, e, to patch up yung issues.

“Dun, wala—as in, confront.

“Kung malungkot ka dun, lonely ka dun, nami-miss mo yung pamilya mo, you feel sad, you feel bad na ganun yung sitwasyon mo—harapin mo.

“So, hindi ka puwedeng makita na nadadala ka ng emosyon mo kasi hindi ka makakalabas.

“Yun yung challenge.

“Dapat kahit anong hirap dun, still nagagawa mo yung responsibilities mo, maaayos yung disposisyon mo.

“Yun yung basis nila para palabasin ka.”

HITTING ROCK BOTTOM

Habang nasa rehab, inamin ni JM na may mga pagkakataong gusto na niyang bumigay.

Saad niya, “Yung meaning ko ng emotional rock bottom, umabot ako sa point na sobrang feeling ko, wala na. Wala na akong pag-asa.

“As in, down na down na ako.

“Ayoko nang lumabas, ayoko nang pumalag.”

Subalit sa pagkakataong gusto na niyang sumuko sa buhay, doon daw niya nakita ang liwanag.

“Dun ko nakita yung Diyos.

“Dun ko nakita kung paano Niya ako tinrabaho. Kung paano Niya ipinaramdam sa akin na nandiyan Siya, na meron pang hope.

“Na-feel ko yun, e. Na-feel ko yun na meron Siyang nakaplano.

“Meron Siyang magandang plano for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun lumakas ang faith ko lalo… na kahit nakakatakot, kahit nakaka-trauma, ibibigay ko pa rin ang best ko.

“Nakakapag-risk pa rin ako dahil sa faith na yun.” 

FINDING FAITH

Inusisa ng PEP.ph si JM kung ano ang nakatulong sa kanya para matagpuan ang Panginoon.

Nire-require ba silang magsimba tuwing Linggo?

“Di naman OA. Meron namang Mass every Sunday, pero optional naman dahil iba-iba yung religion.

“Mas more on spiritual. Hinahayaan kami ng program na mahanap mo yung sarili mo.

“Ikaw lang nakakarinig ng spiritual side mo, e.

“Ikaw lang nakakakita nun kapag pumipikit ka, e.

“Mas finocus namin sa loob yung behavioral issues, issues sa family, within the family. Dun sa kaya nilang pasukin to avoid ma-trigger yung ganung state ulit. Yung ganung pangyayari.”

Bakit naligaw ang kanyang landas kahit may solidong suporta mula sa pamilya?

May kontribusyon ba rito ang kanyang pagiging emosyunal?

“Maraming factors,” sagot ni JM.

“Umabot din sa point na parang hindi mo ma-explain. May ganun, e.

“Parang, ‘Bakit nangyayari ito? Bakit?’ Parang ginawa ko naman yung best ko.

“Parang sinubukan ko naman ang best ko para magpakabait, ibigay ang lahat ko, pero bakit nangyayari ito?

“And siguro yun yung maganda dun sa journey, yung mari-realize mo nga it’s blind faith, na nangyari yon dahil kailangang mangyari sa akin, dahil may pinaplano sa akin si Lord sa future na hindi ako prepared.

“Siguro kaya pinrepare Niya ako dun.” 

 

STRONGER JM

Sa dalawang beses na pagkakadapa ni JM, dalawang beses din siyang nabigyan ng pagkakataong makabalik sa industriya.

Sa panayam ng PEP.ph, nabanggit ni JM na posibleng may mag-trigger sa kanya at magkaroon muli ng relapse.

Kaya nga nasabi niyang "daily struggle" ang recovery.

Pero nakatulong kay JM ang tatlong taon sa rehab center para mas makilala ang sarili at ang kanyang mga kahinaan at kalakasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagbabalik niya sa pag-arte at sa showbiz, mas kumpiyansa ang aktor na kaya na niyang i-handle ang kanyang emosyon para hindi na madapa muli.

“Kasi yung hindi nakikita ng tao...yung nakikita lang nila, ito, yung nasa screen.

“Pero yung process—na you play with your emotions, you put yourself into situations na hindi mo naman ma-imagine, malalim man o mabigat, napuntahan namin yun, e.

“As in, hindi kami papayag na hindi namin pupuntahan as actors, and hindi lahat nama-manage yun.

“Ngayon, mas marami akong bala, mas marami akong support, and so far, okay naman.” 

Sa media conference ng Kung Paano Siya Nawala, inilahad ni JM na hindi tuluyang nawawala ang kanyang insecurities, na kabilang sa mga dahilan kaya siya nagkaproblema noon.

Saad niya, “Nagma-manifest pa rin naman siya.

“Iniisip ko lang, hindi siya makakatulong sa akin.

“Lahat naman ng tao meron nun.”

Malinaw raw kay JM kung ano ang kailangan niyang ilagay sa isip.

“Just enough confidence para itaas ko yung ulo ko and enough humility to keep my feet grounded.” 

Dagdag pa ng aktor, nagkaroon na siya ng realizations na makatutulong upang huwag bumalik sa dating bisyo.  

“Pag hindi ko ina-appreciate ang lahat ng bagay na meron ako, maliit man o malaki, kahit anong dumating na problema sa akin, mabilis akong bumagsak. Kasi hindi ko ina-appreciate or wala akong pinapahalagahan dahil sa nangyari sa akin before.

“And now, since nakakagulat nga po na tinanggap pa rin po ako, may mga opportunities pa rin po katulad ng movie na ito, makatrabaho sila—enough na po yun para sa akin, para hindi ko man lang maisip na bumalik sa dati o gawin yung dati.” 

Tanong ng PEP.ph: hindi ba niya naisipang iwan ang showbiz?

“No,” tugon ng aktor.

Nausisa rin si JM sa media conference kung ano na ang pananaw niya ngayon sa pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Ahhh. Scary thing for me… love.

"Alam ko kung anong puwedeng gawin sa akin nun—positive or negative—so it’s something na hindi ko dapat minamadali.”

 

COMEBACK MOVIE

Tatlong taon pagkatapos ng commercial success ng That Thing Called Tadhana, ang Kung Paano Siya Nawala ang comeback movie ni JM, na ipalalabas simula November 14.

Katambal niya rito ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Ang kanyang comeback teleserye na Araw Gabi, kung saan nakatambal niya si Barbie Imperial, ay nagtapos nitong October.

Sisimulan na rin ni JM ang pelikulang pagbibidahan nila ni Arci Muñoz, na may working title na Foolish Heart.

Nakatakda rin siyang magbida uli sa isang teleserye sa ABS-CBN, ngunit wala pang detalye kung sinu-sino ang makakasama niya.

Paliwanag ni JM, tiniyak ng kanyang home network at ng rehab facility na huwag siyang biglain sa trabaho.

Sabi ng aktor sa PEP.ph, “Actually, nung start pa lang, hindi ako pinapayagan pa nung network and nung facility na magsabay-sabay ng work, kasi baka hindi ko kayanin.

"Kasi three years akong nandun lang sa loob and hindi pa ako sanay sa labas.

“Dahan-dahan yung process.

“And nung inintroduce na ako ulit… kasi gradual, e, sa family muna. 'Tapos inintroduce na ako sa work ulit. Nagtrabaho na ako ulit.

“And aware sila, aware yung network na nakakapagod talaga ito—emotionally, physically, spiritually.

"Hindi nila isinabay ang teleserye at paggawa ng pelikula.

“So, talagang ni-reserve namin na ito yung una kong gagawin na pelikula.” 

 IMAGE Noel Orsal

Maraming dahilan kung bakit espesyal para kay JM ang pelikula nila ni Rhian. Bukod sa comeback movie niya ito, isa rin siya sa executive producers nito, gayundin si Rhian.

Pero may mas malalim pang kahulugan para kay JM ang comeback movie niya.

“Very special siya sa akin, kasi parang ito yung message sa akin, na kaya ko pa, kaya ko pa na magawa yung mahal kong gawin sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang investment ko rin, hindi financially. Sa buong pagkatao.

“Nag-invest talaga ako nang sobra. Kung ano man yung mangyari, sobrang masaya na ako. Ngayon pa lang, masaya na ako,” pagtatapos ni JM.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN