Maine Mendoza posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo Atayde

IMAGE @mainedcm Instagram

Maine Mendoza, nagbahagi ng litratong kuha sa Bali, Indonesia, ilang araw matapos maiulat ang diumano'y pagkikita nila roon ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde at iba pang kasamahan. 


Kumpirmadong nagtungo si Maine Mendoza sa Bali, Indonesia, nitong nagdaang Halloween break. 

Sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, November 6, ibinahagi ni Maine ang litrato niyang kuha sa isang swing sa Bali. 

Ang tanging caption ni Maine: "keep swinging [leaf emoji]"

View this post on Instagram

keep swinging ????

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Ito ang unang pagkakataong ipinahiwatig ni Maine na nanggaling siya sa Bali, matapos maging usap-usapan sa social media na namataan siya roon kasama ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.  

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin malinaw kung magkasamang nagbakasyon ang dalawa o nagkataon lang na iisang lugar ang pinuntahan nila. 

Pero noong November 4, kumalat sa social media ang litrato ni Maine na nakaupo sa isang malaking bird’s nest sa Umapakel Agro Tourism, isang sikat na tourist destination sa Tegallalang, Bali.

Noong araw na iyon ay namataan din sa parehong lugar si Arjo kasama ng pinsang si Gab Atayde at kaibigang si Alex Godinez.

Sa Instagram Story ni Gab, nahagip sa video ni Arjo ang isang babaeng ang outfit ay hawig sa suot ni Maine sa litrato nitong nasa bird's nest. 

View this post on Instagram

?Isang magandang BALI-ta. ???? Enjoy kayo @mainedcm @AtaydeArjo ?????

A post shared by ArMaine ???? (@armainenatics) on

Tanong ng netizens: Magkasama bang nagbakasyon ang grupo nina Arjo at Maine sa Bali?

Nagkatrabaho sina Maine at Arjo sa Jack Em Popy: Da Puliscredibles, ang Metro Manila Film Festival 2018 entry na pinagbibidahan nina Coco Martin at Vic Sotto. 

Bandang August nagsimula ang shooting ng pelikula. 

Hinihinalang nagkagaanan ng loob sina Maine at Arjo, dahil mula noong October ay makailang-beses namataan ang dalawa sa labas ng set ng pelikula nila. 

October 11 nang namataan ang dalawa na masayang nagkukuwentuhan sa isang restaurant sa Makati City. 

Pagkatapos ng mahigit isang linggo, muling namataan sina Maine at Arjo sa isang restobar sa Bonifacio Global City, Taguig City. 

Gayunman, pareho pa ring tikom ang bibig nina Maine at Arjo tungkol sa mga umano'y pagkikita nila. 

On record, pinabulaanan ng kaibigan ni Maine na sa Sheena Halili ang napapabalitang ugnayan sa pagitan ng Dubsmash Queen at ng Kapamilya actor. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaibigan lang daw ang turing ni Maine kay Arjo, at pati na rin kay Juancho Trivino na minsan ding naugnay sa dalaga.


Stories We Are Tracking

Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Is Ria Atayde's tweet about dating alluding to Arjo, Maine?
Is Ria Atayde's tweet about dating alluding to Arjo, Maine?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN