Rhian Ramos not bothered by speculations about relationship with Bianca King

IMAGE Noel Orsal / Rhian Ramos Instagram

Rhian Ramos on friendship with Bianca King: "I love her with all my heart but in a different way, and siya rin naman. But I think, sometimes kasi friendship is a lot more intimate than relationship. Because the thing that happens in your relationship, sasabihin mo rin sa friend mo, e!"


Sinagot ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sa mga espekulasyon tungkol pagiging malapit nila ng aktres na si Bianca King.

May ilang netizens kasi ang nagbibigay ng ibang kulay sa pagkakaibigan nina Rhian at Bianca.

Idagdag pa rito ang pagiging intimate nila diumano sa mga larawang ipinu-post nila sa social media.

View this post on Instagram

Shang's Chi Spa never gets old ? Love yew @bianca_king

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

May iba pa ngang diretsahang nagtatanong kung sila ba o kung may romantic relationship sila.

Hindi naman daw nao-offend dito si Rhian.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay lang naman.

“Kasi, nowadays, if you have a really, really close friend or a girl crush, a lot of people ship… ‘I ship that, I ship that!’

“Parang they want you to end up together.

“E, hindi naman ako stranger sa ganun, so I’m okay with it naman.”

Sinabi rin ni Rhian na posibleng nami-misunderstood ng ilan ang paraan ng pag-uusap nila ni Bianca.

“At saka ang tawag ko rin sa kanya, ‘wifey’ or ‘wife.’

“Parang tinawag ko siyang ‘wife’ online, kasi we both joked na, kasi parang wala talaga kami sa mental state na gusto naming magpakasal anytime soon.

“That’s why when we joke with each other, I’m like, ‘Okay lang, hindi ako takot, tayo naman!’”

View this post on Instagram

So much has changed, but nothing has =) We'll never get too old for sleepovers will we, B? ????

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

Hindi siya naaapektuhan sa iniisip ng iba tungkol sa kanila?

“No, it doeasn’t bother me naman,” pakli ni Rhian.

Pero mahal daw niya talaga si Bianca.

“I love her with all my heart but in a different way, and siya rin naman.

“But I think, sometimes kasi friendship is a lot more intimate than relationship.

“Because the thing that happens in your relationship, sasabihin mo rin sa friend mo, e!” natawang sabi niya.

Binigyang-diin ni Rhian na sigurado siyang lalaki pa rin ang gusto niya.

Natatawang sabi nga niya, “Lalaki pa rin!”

May pagkakataon na bang na-attract siya sa same sex?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi,” sagot ni Rhian. 

Wala pa rin daw nanligaw o nagkagusto sa kanyang lesbian.

“Wala pa akong nae-experience. Wala pang nanliligaw sa akin or anything like that.”

Bida si Rhian, katambal si JM de Guzman, sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala na ipalalabas simula sa November 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN