Mel Tiangco puts an end to rumored long-standing rift with Korina Sanchez

IMAGE Instagram

Maituturing na urban legend sa showbiz ang diumano'y away sa pagitan ng GMA-7 anchor na si Mel Tiangco (kanan) at ng ABS-CBN host na si Korina Sanchez (kaliwa), ngunit binigyang-linaw ito ni Tita Mel sa bago nitong panayam sa PEP.ph.


Tinuldukan na ng Kapuso anchor-host na si Mel Tiangco ang matatawag na “urban legend” na mortal silang magkaaway ng Kapamilya host na si Korina Sanchez.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mel ngayong Martes ng hapon, November 7, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Ang presscon ay para sa sixth anniversary ng kanyang hinu-host na drama anthology sa GMA-7, ang Magpakailanman.

Dito ay tinanong siya ng PEP.ph kung may mga kaibigan siya sa ABS-CBN, ang rival network ng GMA-7 at kung saan siya nanggaling bago naging Kapuso.

"Marami naman… si Korina friend ko!" mabilis niyang sagot.

Dagdag pa ni Mel, "People do not believe me but…"

Nakakagulat ang sinabing ito ni Mel dahil marami ang nag-aakalang may away sa pagitan nila ni Korina, na nakasama niya noon sa news room ng ABS-CBN.

"Ewan ko kung saan nanggaling yun," sabi ng veteran Kapuso anchor-TV host.

Hindi totoong magkagalit sila?

“Hindi, hindi,” ang bulalas pa ni Mel.

Huli raw silang nagkita sa Vatican City, Italy, noong 2014.

“O di ba? 'Tita Mel!' sabi niya.”

Pareho silang nag-cover ng canonization o sainthood nina Pope John XXIII at Pope John Paul II sa Vatican City noong April 27, 2014.

Korina Sanchez and Mel Tiangco
 IMAGE Instagram

Kuwento pa ni Mel, “Nandito kami sa isang side, sila nasa kabila, nung una hindi ko siya napapansin, malayo siya, ang layo ko, sabi niya, ‘Mama Mel!’

“Pagkita ko, ‘Ay, si Korina!’

“Tapos tumatakbo siya.

“Tapos ang sweet-sweet pa nga niya, e, ‘Ay, let’s take a picture muna!’

“Sabi ko, ‘Sige, sige, picture tayo!’

“So, kinunan kami ng PA [personal assistant] niya, so posing-posing kami.

“Tapos nakita ko yung iPad niya, sabi ko, ‘Hoy ha, bakit basag ‘yang iPad mo?’

“Sabi ko, ‘Alam mo naman hindi maganda sa Chinese iyan. Ano ka ba, nangunguripot? Bumili ka nga ng bago!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tawa siya nang tawa.”

Barkada pa nga raw ng isang pamangkin ni Mel si Korina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN