Diego Loyzaga in attempted suicide? Actor's camp neither confirms nor denies

IMAGE Noel Orsal

A report alleges that Kapamilya young actor Diego Loyzaga attempted suicide. His camp has yet to confirm or deny the report.


Si Diego Loyzaga ba ang tinutukoy na young actor na diumano'y nagtangkang kitlin ang sariling buhay?

Miyerkules ng gabi, Nobyembre 7, nag-post sa Facebook ang TV5 reporter na si Laila Chikadora ng blind-item report na ito:

"Young actor of showbiz blood commits suicide. 

"Slashes neck and wrists with a swiss knife.

"He is in a hospital somewhere in QC now; conscious."

Mensahe pa niya, "Please don’t let your inner demons win. I will pray for you."

Kagabi rin, sa huling lamay para sa yumaong singer na si Rico J. Puno sa Santuario de San Antonio, naging laman ng usap-usapan ng ilang nakiramay ang tungkol sa isang young actor na nag-suicide attempt. 

Bagamat hindi nila tinitiyak kung sino ito, may binabanggit din silang pangalan. Anu't ano pa man, lahat ng nag-uusap, nalulungkot at nakikisimpatiya.  

Kasunod nito, nangalap ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa report—kung may katotohanan ba ito? kung sino ang tinutukoy na batang aktor? kung ano na kalagayan nito?

Mula sa iba't ibang sources, lumabas ang pangalan ng Kapamilya actor na si Diego Loyzaga.

Si Diego, 23, ay anak ng aktres na si Teresa Loyzaga at ng actor-politician na si Cesar Montano.

Nakakuha rin ang PEP.ph ng di pa kumpirmadong impormasyon tungkol sa insidente.

Ayon sa isang source mula sa isang television network, nangyari raw ang insidente Martes ng gabi, November 6.

May nakarinig daw kay Diego na may kausap sa telepono.

Sabi raw ng aktor sa kausap, okay pa siya at kaya pa niya.

Kasunod nito, nagtangka na raw ang aktor na gilitan ang sariling leeg, gamit ang isang Swiss knife.

Ang mga kasamahan ni Diego sa bahay ay tumawag daw kaagad ng paramedics.

Pagdating daw ng paramedics, agad na binigyan ng first aid ang binata.

Noong kumalma na raw ito, isinugod siya sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan, nasa stable na kundisyon na raw si Diego. 

Upang kumpirmahin ang mga natanggap na impormasyon ng PEP.ph, sinubukan naming kontakin ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga, sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, text messaging, at Facebook messaging.

Wala kaming natanggap na sagot sa alinmang paraan ng komunikasyon.

Nagtanong din ang PEP.ph sa ilang malalapit na tao kay Diego, ngunit hindi pa nila kami sinasagot. 

Kinontak din ng PEP.ph ang Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa career ni Diego.

Sa pamamagitan ng public relations head nitong si Thess Gubi, nakatanggap ang PEP.ph ng maikling text message mula sa Star Magic kagabi.

Wala silang direktang kumpirmasyon o pagtanggi tungkol sa insidente.

Ngunit ang paabot ng Star Magic: "Diego and family are doing fine. And are requesting for privacy. Thank you."

Nitong Huwebes ng madaling-araw, nag-message kami kay Dolly Anne Carvajal, kolumnista ng Philippine Daily Inquirer at sinasabing "bff" ni Cesar, ang ama ni Diego. Wala siyang sagot.

Ngayong umaga, November 8, nagpadala naman ang PEP.ph ng text message kay Cesar Montano upang kunan ng pahayag.

Habang sinusulat ito, wala pa kaming natatanggap na sagot.

Ganunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa pahayag o paglilinaw ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN