JM de Guzman admits real score with Barbie Imperial; reveals falling for Angelica Panganiban in the past

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman denies rumors he was seen kissing Araw Gabi leading lady Barbie Imperial inside a car. "Yung kiss, that is not true, hindi ko naman yata kayang mag-PDA."


Diretsahang sinagot ni JM de Guzman, 30, ang tanong tungkol sa tunay na estado nila ng Araw Gabi leading lady na si Barbie Imperial, 20.

Ito ay matapos kumalat ang balitang nakita raw silang naghahalikan sa kotse ni JM nang minsang ihatid ng aktor si Barbie pauwi sa bahay nito.

Lalo pang tumindi ang haka-haka tungkol sa relasyon ng dalawa nang tawagin daw ng ina ni JM si Barbie na "manugang-to-be."

May relasyon nga ba sila ni Barbie?

"Kami na? Hindi pa, hindi pa kami," sagot ni JM.

Aminado naman si JM na may mga pagkakataong hinahatid niya pauwi si Barbie, pero hindi raw totoong naghalikan sila sa loob ng kanyang sasakyan.

"Hindi ko naman yun ide-deny, lalo na pag nagte-taping din 'tapos wala din siyang driver, ako ang naghahatid sa kanya.

"Yung kiss, that is not true, hindi ko naman yata kayang mag-PDA," ani JM, na ang tinutukoy ay ang public display of affection.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si JM sa presscon ng pelikulang Kung Paano Siya Nawala noong October 31.

JM'S MOM WANTS AN APO ALREADY

Ipinaliwanag din ni JM ang tungkol sa pagtawag ng kanyang ina kay Barbie ng "manugang-to-be." 

Aniya, "Si Mommy kasi, masyadong ano iyan, e, gusto niya gawan ko na ng baby kahit sinong babae.

"Gusto na niya talagang magkaapo.

"Pag kasama namin si Barbie, 'JM, kailan kayo gagawa ng baby?' Nang-aasar."

Dagdag pa ng Kapamilya actor, "Actually, hindi directly kay Barbie, sa akin pa rin niya sinasabi.

"Minsan bigla na lang magti-text. Kunwari, madaling-araw, 'Budik, may tanong ako.'

"Sasabihin ko, 'Ano yun?' 'May girlfriend ka na ba?' 'Wala pa, bakit Ma?'

"'Gawan mo na ako ng apo.' Sasabihin ko, 'Ma, kailangan ko munang alagaan ang sarili ko, pag-aalagain mo na ako ng Junior ko?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero boto ba ang ina ni JM kay Barbie?

"Oo naman, wala namang ano si Mommy," sagot ni JM.

Ngunit hindi lang pala kay Barbie tinutukso ng ina niya si JM na magka-baby, kundi maging kay Angelica Panganiban.

Nagkapareha sina JM at Angelica sa pelikulang That Thing Called Tadhana (2014).

"Sinabi niya rin. Kahit kanino man, ang kulit, e," pakli ng aktor.

Kinumusta rin si JM kung may komunikasyon pa ba sila ni Angelica, na kaka-celebrate lang ng birthday nito sa Japan kasama si Carlo Aquino at ilang malalapit na kaibigan.

"Nagkita lang kami recently, magkakasama kami nila Carlo, sa bahay niya.

"Ang ganda ng movie nila, sobra," kuwento ni JM, na ang tinutukoy ay ang kakapalabas lang na pelikulang Exes Baggage. 

In the works na rin ang susunod na pelikulang pagtatambalan nina JM at Angelica, ngunit may mga kailangan pa raw ayusin at baguhin dito.

Ayon kay JM, "Actually matagal nang pinitch sa amin yung gagawin naming movie under Star [Cinema], pero nagkakaroon lang ng mga arrangements, internal na mga inaayos."

FEELINGS FOR ANGELICA

Inamin ni JM na nahulog ang loob niya noon kay Angelica.

Pero nakita niyang walang espesyal na nararamdaman sa kanya ang aktres kaya nanatili na lang silang magkaibigan.

Bilib din daw ang Kung Paano Siya Nawala actor sa tapang at tatag ni Angelica, na nanatiling propesyunal sa kabila ng mga hinarap na isyu tungkol sa buhay pag-ibig nito.

Paliwanag ni JM, "Hindi ko napansin na may nangyari sa kanya. 

"Isa yun sa trait na hanga ako, kung paano siya magdala ng problema. Parang wala, pero alam mong mayroon."

Isa raw si Angelica sa nagpayo sa kanyang maghinay-hinay sa pag-ibig.

"Nung time ng Tadhana, ang naaalala ko na advice niya sa akin, tumawag siya sa akin, 'O, lunod na lunod ka na naman sa pag-ibig, ha. Ingat ka, baka di ka makaahon.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito yung after ng first rehab ko. Sabi ko, 'Ano iyang pinagsasabi mo?'

"Sabi niya, 'Basta binalaan na kita.'"

Matapos lumabas ni JM sa rehab sa unang pagkakataon ay nakabalikan nito ang aktres na si Jessy Mendiola.

Ngunit hindi nagtagal ay naghiwalay rin silang muli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN