Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert

IMAGE Photo from Instagram (Credit to the owner)

New photos of Maine Mendoza and Arjo Atayde are now circulating on social media. The two supposedly watched a concert together in Quezon City.


Muli na namang namataan sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na magkasama sa isang pampublikong lugar.

Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng Kapuso TV host at Kapamilya actor na kuha umano sa isang concert sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi, November 8.

Sa mga larawang naka-post sa Instagram, nakasuot si Maine ng striped top, habang si Arjo ay naka-dark polo shirt at red cap.

May isang video ring nai-post sa Instagram.

Kuha rin umano ang video na ito sa parehong event.

Sa video, may katabing lalaki si Maine. Hindi man kita ang mukha ng lalaki, makikita ang black polo shirt at red cap.

Sa pagpaling ng camera, makikita ang isang wall sa likuran nila na punumpuno ng posters.

Base sa posters, ang concert na pinanood nina Maine at Arjo ay ang Karpos Live 3.3 na ginanap sa Vertis Tent, Vertis North, sa Quezon City, Huwebes ng gabi.

Sa social media, may netizens ding nag-post ng kanilang mga larawan sa parehong wall sa concert venue.

Ilan sa performers noong gabing iyon ay ang American pop group na Cigarettes After Sex at ang kilalang local band na Up Dharma Down.

 IMAGE Photo from Instagram (Credit to the owner)
 IMAGE Photos from Instagram (Credit to the owner)

Narito naman ang poster ng naturang event na katulad ng nakadikit sa wall:

View this post on Instagram

Kasama ni maine si marjso. #mainemendoza #arjoatayde Ctto????

A post shared by mainegirl ???????????????????????? (@mainegirl2018) on

View this post on Instagram

CTTO #Mainemendoza

A post shared by SOLID MAINE WORLDWIDE CANADA???????? (@maine_canada) on

View this post on Instagram

CTTO #Mainemendoza

A post shared by SOLID MAINE WORLDWIDE CANADA???????? (@maine_canada) on

Hindi ito ang unang pagkakataong nakitang magkasama sina Maine at Arjo.

Una silang nakuhanang magkasama sa isang restaurant sa Quezon City.

Pagkalipas ng ilang araw ay namataan sila sa isang bar sa Bonifacio Global City.

At nito lamang Halloween break ay may mga kumalat silang litrato na kuha mula sa Bali, Indonesia, ngunit wala silang kuhang magkasama.


Stories We Are Tracking

Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo
Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN