Paul Salas admits asking parents to stay away from past issue with Barbie Imperial

IMAGE Noel Orsal

Paul Salas on ex-girlfriend Barbie Imperial's allegations of physical abuse: "Ako, ayoko na lang magsalita kung anuman ang nangyari tungkol sa amin ni Barbie. Sa amin na lang dalawa yun."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Paul Salas tungkol sa breakup nila ng girlfriend niyang si Barbie Imperial noong July 2018.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Paul sa nakaraang Jolina@40 surprise birthday party na ginanap sa The Cove ng Okada Manila noong November 7, unang binigyang linaw ng aktor na hindi naging isyu sa kanila ni Barbie noon ang pakikipagtambal nito kay JM de Guzman sa seryeng Araw Gabi.

Siniguro niyang suportado niya ang tambalan ng dalawa.

Lahad niya, “Wala. Actually, never naman namin naging problema yun.

“Yung love team nila, never naging problema.

“Di naging problema sa akin yun. Nagselos? Hindi.

“Ever since day one, sinusuportahan ko ang love team nila.

“Happy rin ako sa nangyari at sa success ng show niya.”

Sa nababalitang espesyal na relasyon na namamagitan diumano kina Barbie at JM, hindi pala masyadong updated si Paul dahil umiiwas na rin siya sa social media.

Lahad niya, “Wala rin akong nababalitaang ganun kasi medyo hindi din ako nagsu-social media ngayon, e.

“Naging busy rin ako, marami akong guesting sa GMA, so talagang pino-focus ko ang sarili ko sa gym, sa pagsayaw ko.”

Agad naming tinanong kay Paul kung nakapag-move on na siya mula sa breakup nila ni Barbie.

“Okay naman, happy ako.

“Happy ako kasi alam kong maraming nagmamahal sa akin.

“Nandiyan ang family ko, nandiyan ang second family ko which is ang PPL.”

Ang PPL Entertainment Inc. ay ang management outfit na pinamumunuan ni Perry Lansigan. Kabilang sa roster nito ang ilang premyadong aktor tulad nina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, at marami pang iba.

Sa ngayon ay ayaw niya muna talagang magsalita tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ng ex-girlfriend.

Aniya, “Issues marami nga, pero sa ngayon, ayoko na munang magsalita about sa ganyan, kasi ang pokus ko talaga is yung career ko at yung iba ko pang mga gagawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May galit ba siya kay Barbie?

“Wala, wala. Happy naman ako sa lahat ng na-achieve niya sa buhay niya.”

MUM ON PHYSICAL ABUSE ALLEGATIONS

Isa sa pinakamatinding issue na naipukol kay Paul ay ang pisikal na pananakit niya diumano kay Barbie.

Matatandaang nag-post pa nga dati ang Kapamilya actress sa Instagram ng litrato ng mga pasa niya, kalakip ng cryptic messages na base sa reaction ng kanyang mga fans ay patungkol kay Paul.

Para naman kay Paul, naniniwala siya na kung anuman ang pinagdaanan ng relasyon nila ng ex ay mas maganda kung sa kanila na lang talaga.

“Kasi ako, naniniwala ako na every thing happens for a reason.

“Baka may reason kung bakit nangyari sa akin yun, kung bakit bina-bash ako ng mga tao.

“Ako, ayoko na lang magsalita kung anuman ang nangyari tungkol sa amin ni Barbie.

“Sa amin na lang dalawa yun,” diin niya.

FAMILY TAKES UP THE CUDGELS FOR PAUL

Matatandaang noong mga panahong iyon, isa sa mga naapektuhan at tumayo para depensahan si Paul ay ang kanyang mga magulang.

Nakiusap pa nga sila noon kay Barbie na klaruhin nito ang balita na noon ay laganap sa social media.

Ayon sa aktor, pinakiusapan nga niya ang mga magulang niya na dumistansiya na lang ang mga ito sa isyu.

Ani Paul, “Wala, kasi alam ko na nandiyan sila para sa akin.

“Sabi ko nga kung anuman ang ma-react nila, ganun talaga kasi parents ko sila, e.

“Parang tanggap ko na kung anuman ang sabihin nila, pero sabi ko, 'Out na lang kayo sa issue. Kaya ko na ito. Wag na kayong magpa-stress.'”

Sa kabila ng hindi magandang kinauwian ng relasyon nila ni Barbie, hindi naman daw ito hadlang kay Paul kung sakaling ang susunod na babaeng mamahalin niya ay taga-showbiz din.

Saad niya, “Di naman, kung may taga-showbiz din na dumating para sa akin, okay, pero sa ngayon, single and happy ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di naman natin masasabi yun. Darating na lang din yun.

“Basta ako ngayon, ang focus ko muna ay ang career ko.”

Tinanong din namin ang aktor kung ano ang natutunan niya sa nangyari na ina-apply niya sa buhay niya ngayon.

“Don't trust anyone. Wag mag-trust masyado.

“Mahirap magtiwala lalo na these days. Mahirap na.”

KAPUSO ONCE MORE

Isa si Paul sa mga dating Kapamilya artist na ngayon ay nasa bakurang muli ng GMA-7 kung saan siya nagsimula ng kanyang showbiz career.

Matatandaang isa siya sa mga discoveries ng StarStruck Kids noong 2004.

Taong 2008 noong lumipat siya sa ABS-CBN kunsaan nagbida siya sa Kung Fu Kids (2008).

Masaya naman si Paul sa pagbalik niya sa Kapuso network, kahit wala pa siyang regular projects sa ngayon.

Pahayag niya, “Wala pa, pero nagge-guesting-guesting na ako dun.

“Lahat ng mga dating katrabaho ko, like yung mga ka-StarStruck Kids ko dati, nakakasama ko na uli ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN