Mahigit isang oras naantala ang programa para sa pangalawang Pilipinas Debates 2016 sa TV5.
Ang Pilipinas Debates ay naka-schedule na magsimula kaninang 5 PM, ngunit mahigit isang oras na ang lumipas ay hindi pa rin ito ineere.
Apat na kandidato ang nag-confirm na dadalo??si former Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Mar Roxas, Senator Grace Poe, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Vice President Jejomar Binay.
Nauna nang nagsabing hindi makadadalo si Senator Miriam Defensor-Santiago dahil siya ay dadalo sa isang experimental treatment para sa kanyang sakit na cancer.
DELAY DUE TO BINAY'S NOTES. Ayon sa iba??t-ibang sources, may kandidato umanong hindi sumang-ayon sa rules of engagement sa nasabing debate.
Reason for delay: Last-minute clarification of debate rules. pic.twitter.com/eiZGQ9vG9c
?? Lourd de Veyra (@lourddv) March 20, 2016
Base pa sa series of live tweets ng The Philippine Star, sina Roxas at Binay ang naging cause of delay ng event.
May mga disagreement umano ang dalawa tungkol sa rules ng magiging debate, na kinailangang bigyang-desisyon on the spot ng Commission on Elections (Comelec) at TV5.
Binay & Mar started debate out of live coverage with VP bearing with him documents his camp from COA, AMLA #BilangPilipino @ichuvillanueva
?? The Philippine Star (@PhilippineStar) March 20, 2016
Bandang 6 p.m. ay namataan na sa entablado sina Mayor Duterte, Senator Poe at Roxas, habang si VP Binay ay bahagya pa ring naantala backstage.
Now on stage: Duterte, Poe and Roxas cracking jokes on what causes the delay of the debate. | @iambertramirez pic.twitter.com/TPFZ94INYj
?? The Philippine Star (@PhilippineStar) March 20, 2016
Narito ang palitan ng salita sa pagitan nina Mayor Duterte, Senator Poe at Roxas habang hinihintay si VP Binay:
Kinalaunan ay lumitaw din si VP Binay sa entablado at saka nagsimula ang round one ng Pilipinas Debates 2016.
Inaasahang mas magiging malinaw ang isyung ito sa darating na mga oras.