Jasmine Curtis-Smith recalls how sister Anne tried convincing her to be Kapamilya

by Rommel R. Llanes
Nov 11, 2018
Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith recalls how her sister Anne tried convincing her to be Kapamilya: "But sadyang we're so different, and she wants me to go to ABS, I want to go to GMA."

Dahil nagsimula at nakilala sa Jasmine Curtis-Smith sa TV5, ano ang nararamdaman niya ngayong tila hinda na gaanong ka-ingay ang naturang TV station?

“Well, I think pana-panahon lang.

“Maybe for the best talaga sa kanila is sports, so kung saan na lang yung strength nila, buung-buo sila dun and I wish them the best of luck.

“But I will always be grateful na six years din ako sa kanila, and naka-ipon din naman ako sa kanila.

“So, I will always be thankful to them,” pahayag ni Jasmine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pamilya Roces noong October 3 sa Prime Hotel sa Quezon City.

Kapuso ngayon si Jasmine na napapanod sa seryeng Pamilya Roces.

WEIGHING HER OPTIONS

May pagkakataon bang nag-dalawang isip iya kung magiging Kapuso o Kapamilya?

Lahad niya, “Of course, ano, we took time para mabalanse yung decision.

“And well, parang mas ano lang, mas nag-lean lang talaga ako towards GMA.”

Continue reading below ↓

Dahil?

Sagot niya, “I don’t know, I think…”

Dahil ba sapat na ang isang Curtis-Smith sa ABS?

“Maybe! Baka gulo lang ang dalhin ko dun, di ba,” at tumawa ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis.

“You’ll never know, but no…

“In all honesty and seriousness, parang ano lang, parang siguro mas bumabagay lang ako sa culture ng GMA ngayon, kung paano ako ngayon.

“Alam kong mas magiging magaan ako and yung pagbalik ko sa TV pag sa GMA ako… not to say naman na pag sa ABS mabigat or anything.

“I just feel like yung challenges dito, yung GMA will be more… ano ba?

“Mas kaya kong lagpasan yung mga challenges dito.

“Parang feeling ko kasi there’s more pressure, there’s more… ano ba?

“Competition, sometimes... from the people of the other network, but that’s not to say that’s the network, it’s just the people.

“And I feel like hindi ko pa kaya yung pressure na yun, kasi it’s work e, it’s a business.

Continue reading below ↓

“There will always be competition.

“In GMA, I’m sure there’s competition, I’m sure there’s some artists with rivalries, but I feel like mas quiet lang ako dito, mas puwede akong bago, mas puwede akong makalaru-laro.”

STICKING TO HER CONVICTIONS

Inisip rin ba niya na mas makabubuti para sa kanya na sa GMA pumunta para maiwasan na lang ang comparison sa kanila ni Anne?

Pag-aanalisa niya, “Hindi rin talaga, e.

“Kasi actually, inisip na rin yan na mas masaya if I go to where she is, para magkasama na kami, mas may tsansa kaming magkita for work.

“But sadyang we’re so different, and she wants me to go to ABS, I want to go to GMA.”

Gusto ba ni Anne na magsama sila sa ABS?

Pakli niya, “Oo, siyempre.”

Pero si Jasmine ang nasunod?

Hirit niya, “Siyempre ako masusunod. Career ko ‘to, e.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith recalls how her sister Anne tried convincing her to be Kapamilya: "But sadyang we're so different, and she wants me to go to ABS, I want to go to GMA."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results