JM de Guzman tells Barbie Imperial: "I love you with all my heart."

IMAGE @1migueldeguzman / @msbarbieimperial Instagram

JM de Guzman surprises Barbie Imperial with a love letter and teddy bear.


Ibinunyag ni Barbie Imperial na “Love” ang term of endearment sa kanya ni JM de Guzman.

Base ito sa Instagram post ni Barbie noong Biyernes, November 9, kung saan ipinakita niya ang litrato ng teddy bear at love letter na bigay ni JM sa dalaga.

Nakalagay sa puting envelope ang salitang “Love.”

Sabay caption ni Barbie, “ldr be like.. (ha?) hehe thank you @1migueldeguzman [smile emoji].”

Noong araw na iyon ay nasa Boracay si JM, base sa Instagram post ng aktor.

Kaya marahil nabanggit ni Barbie ang salitang “ldr” o long-distance relationship.

At press time, burado na ang post na ito ng Kapamilya actress.

"I LOVE YOU WITH ALL MY HEART."

Nasorpresa si Barbie nang matanggap ang teddy bear at love letter mula sa mga kasamahan niyang kasabwat ni JM.

Kasalukuyang nakasalang si Barbie sa live Kapamilya Chat ng ABS-CBN online entertainment nang makarating sa kanya ang regalo mula kay JM.

Dito rin binasa ni Barbie ang isang bahagi ng nilalaman ng sulat mula sa binata.

Sabi rito, “Dearest Love,

“I’ll go against the world just to win your heart.

“I’m willing to sacrifice a lot just to win your heart.

“I love you with all my heart.

“I’m sorry.”

Kung pagbabasehan ang love letter ni JM, 30, at ang kilig na reaksiyon ni Barbie, 20, ay tila nagkakamabutihan na sila.

Naging malapit sila sa isa’t isa mula nang nabuo ang tambalan nila sa ABS-CBN afternoon series na Araw Gabi, na umere mula April 23 hanggang October 12, 2018.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM noong October 31, nilinaw nitong hindi pa sila magkarelasyon ni Barbie.

PARENTS' APPROVAL

Pero inamin din ng Kapamilya actor na mismong kanyang ina ay tinutukso siya kay Barbie.

Gusto na raw kasing magkaapo ng ina ni JM.

Tila boto ang mga magulang nina JM at Barbie sakaling magkatuluyan ang dalawang Kapamilya stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong November 6, nag-post sa Instagram ang ina ni Barbie, si Bing Imperial, ng litrato nina JM at Barbie.

Sa comments' section ng post na ito nagpalitan ng mensahe si Bing at ama ni JM na si Ronniel de Guzman.

Sabi ni Ronniel, "bagay na bagay" sina JM at Barbie.

Sagot ni Bing, "AGREE Bagay n bagay..."


Stories We Are Tracking

JM de Guzman defends Barbie Imperial from basher
JM de Guzman defends Barbie Imperial from basher
JM de Guzman admits real score with Barbie Imperial
JM de Guzman admits real score with Barbie Imperial
JM de Guzman settles tampuhan with Barbie Imperial
JM de Guzman settles tampuhan with Barbie Imperial
JM de Guzman and his personal struggles inside rehab
JM de Guzman and his personal struggles inside rehab


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN