Paul Salas puts an end to issues with Daniel Padilla, reporter

IMAGE Noel Orsal

Paul Salas on rift with Daniel Padilla: "Asar-asaran lang and hindi lang kami nakapaglaro talaga, kasi medyo mahirap din yung schedule ni Daniel."


Tinuldukan na ni Paul Salas ang naging gusot nito sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla at sa isang reporter.

Matatandaang nagkaroon ng word war sa Twitter sina Paul at Daniel dahil sa komento ni Paul tungkol sa naging laro ni Daniel sa Star Magic All-Star Game noong 2017.


Stories We Are Tracking

Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul
Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul

Nito namang Abril 2018, pinaringgan ni Paul ang isang reporter na nagtanong sa rumored girlfriend niya noong si Barbie Imperial kung okay ba ang dalaga sa mga magulang ng young actor.


Stories We Are Tracking

Paul Salas irked by question of a reporter to his girlfriend
Paul Salas irked by question of a reporter to his girlfriend
Paul Salas apologizes for calling out reporter on Twitter
Paul Salas apologizes for calling out reporter on Twitter

Ayon kay Paul, deadma na siya sa bashers dahil natuto na siya pagdating sa social media.

Pahayag niya, “Dini-deadma ko na lang, kasi pag sasagutin ko rin lang naman din, wala ring mangyayari.

“Ayun, isa rin po yung sa mga natutunan ko, e, katulad nung last time, nung may hinahamon akong reporter, ganyan, isa sa mga lessons ko iyan na dapat hindi masyado magpapadala sa emosyon, lalo na pag galit.

“Huwag mag-decide kapag galit.”

Dagdag pa ng bagong Kapuso actor, matagal na silang nagkaayos ni Daniel matapos ang palitan nila ng mensahe sa social media noong nakaraang taon.

Saad niya, “Wala lang naman po yun, kumbaga, asar-asaran lang.

“Opo, okay na kami matagal na, last year pa.

“Asar-asaran lang and hindi lang kami nakapaglaro talaga kasi medyo mahirap din yung schedule ni Daniel.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paul sa presscon ng The Color Run Hero Tour noong Huwebes, November 8, sa GMA Network Center, Quezon City.

Gaganapin ang naturang fun run sa November 18, Linggo, sa McKinley West, Taguig City.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN