Keanna Reeves released from jail after posting bail

IMAGE Courtesy: @maan_macapagal / @News5AKSYON Twitter

Keanna Reeves says cyberlibel case against her to proceed for trial. 


Nakalabas na si Keanna Reeves mula sa pagkakapiit nito sa Cabuyao Police Station sa Cabuyao, Laguna, dahil sa kasong cyberlibel.

Inaresto si Keanna ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Laguna sa labas ng kanyang tinitirhang condo sa may Scout Ybardolaza, Quezon City, noong ng Lunes, November 12.


Stories We Are Tracking

Keanna Reeves arrested for cyberlibel
Keanna Reeves arrested for cyberlibel

Nag-ugat ang pagkakaaresto ng aktres dahil sa kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanya ng negosyanteng si Nancy Dimaranan bunsod ng mga pagbabanta at pagmumura nito sa kanya noon sa Facebook.

Sa presinto ng Cabuyao Philippine National Police (PNP), sumailalim sa booking procedure ang dating Pinoy Big Brother big winner.

Nanatili siya sa piitan ng isang araw.

Pahayag ni Keanna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook messaging, “Bail lang na PHP90K tapos tuluy-tuloy na ang kaso sa korte.”

Tila ipinagbunyi naman ni Dimaranan ang sinapit ni Keanna.

Sa Facebook, nag-post ito ng ilang balita tungkol sa pagkadakip ng sexy star.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN